Posted to Kalinaw News (May 10, 2022): Tangkang Pangugulo ng CTG sa Halalan Napigilan ng 49IB sa Albay (CTG's Attempt to Disrupt Elections Stopped by 49IB in Albay)
CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Napigilan ang tangkang panggugulo ng mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) matapos makasagupa ang tropa ng 49th Infantry (GOOD SAMARITANS) Battalion sa Sitio Lilibdon, Barangay Maogog, Jovellar, Albay, alas-singko (5) ng umaga, nitong Mayo 09, Lunes.
Kaugnay ito ng mas pinalawig na seguridad ng gobyerno ngayong National and Local Election 2022.
Ayon sa report, ikinasa ng 49IB sa tulong ng Philippine National Police (PNP) ang isang operasyon matapos magbigay ng impormasyon ang mga nagngangalit na residente, ukol sa presensya ng limang (5) armadong kalalakihan sa nasabing barangay, na nagtatangkang manggulo sa proseso ng halalan.
Ayon kay Lieutenant Colonel Benjamin Tapnio, Commander ng 49IB, nagbunga ang nasabing operasyon sa walong (8 ) minutong palitan ng putok at pagkakakuha sa ilang mga kagamitan at armas; kabilang na ang isang (1) M16 rifle, isang (1) Cal. 45, ilang mga bala, sari-saring kagamitang pang komunikasyon, at mga maka-teroristang kagamitan pang propaganda at personal na kagamitan ng mga terorista.
Sa ngayon mahigpit na pinababantayan ni Colonel Edmundo Peralta, Commander ng 902nd Infantry (FIGHT and SERVE) Brigade, ang nasabing lugar.
Samantala, nagpahayag naman si Police Brigadier General Mario Reyes, Regional Director ng Police Regional Office 5 (PRO5) ng kanilang mas pinaigting na suporta sa kampanya ng army sa rehiyon kontra sa panggugulo ng CTG.
“Ang pangyayaring ito ay patotoo lamang sa mas pinatibay na pakikipag-ugnayan at suporta ng komunidad laban sa CTG, gayundin sa mas pinalakas na seguridad ng gobyerno ngayong Halalan 2022. Sa ating mga botante, mas maging masiyasat tayo sa pagbabantay sa ating kalayaan sa pagboto; wag nating hayaan na mangibabaw ang pananakot ng mga teroristang NPA, lagi pong nakahanda ang tropa ng gobyerno na kayo’y protektahan maging ang proseso ng National and Local Election 2022,” ani Major General Alex Luna, Commander ng 9th Infantry (SPEAR) Division at ng Joint Task Force Bicolandia (JTFB).
Kung maaalala, pinamunuan ni Maj. Gen. Alex Luna ang pagtatalaga sa mga personahe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Bicol nitong May 04; na siyang magsisilbing mga tagapamayapa at tagapangalaga sa proseso ng eleksyon kontra sa presensya ng mga nagtatangkang manggulo, lalong lalo na ang CTG.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/tangkang-pangugulo-ng-ctg-sa-halalan-napigilan-ng-49ib-sa-albay/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.