Saturday, May 14, 2022

CPP/NDF-MAKIBAKA: Kabulukan ng reaksyunaryong eleksyon, ilantad! Rebolusyon ang solusyon! Kababaihan, sumapi sa Makibaka at sa Bagong Hukbong Bayan!

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (May 12, 2022): Kabulukan ng reaksyunaryong eleksyon, ilantad! Rebolusyon ang solusyon! Kababaihan, sumapi sa Makibaka at sa Bagong Hukbong Bayan! (Corruption of reactionary elections, exposed! Revolution is the solution! Women, join Makibaka and the New People's Army!)




Kabulukan ng reaksyunaryong eleksyon, ilantad! Rebolusyon ang solusyon! Kababaihan, sumapi sa Makibaka at sa Bagong Hukbong Bayan!

Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (Makibaka)
National Democratic Front of the Philippines

May 12, 2022

Napatunayan sa katatapos na reaksyunaryong eleksyon kung paanong ninakawan ng boto ang mamamayang Pilipino. Ang kanilang boto, na para sa masang anakpawis ay kapangyarihan nila para baguhin ang kinasasadlakang kahirapan.

Bukod sa automatic dayaan ng smartmatic , pre-programmed na rin ang buong paghahanda sa eleksyon. Mula sa mga Comelec appointees ni Duterte, sa malaganap na pagpapakalat ng disimpormasyon sa social media, pangongondisyon sa masa sa pamamagitan ng false survey at iba pang kasinungalingan, kontratang nakuha ng kroni ni Duterte na may kinalaman sa halalan, hanggang sa mga iregularidad sa aktwal na halalan. Lahat ng mga pakanang ito ay para sa pagtitiyak ng pangkating MAD na maibalik sa Malakanyang ang mga Marcos at pagtutuloy ng paghahari ng mga Duterte.

Hindi kailanman magiging demokratiko ang halalan sa isang mala-kolonyal at malapyudal na lipunan. Hangga’t may kontrol ang imperyalismong US at Tsina, hangga’t namamayagpag ang mga panginoong maylupa sa kanayunan, at hanggang ang mga burukrata kapitalista ay naghahari sa estado, hindi nila hahahayang makamit ng mamamayan ang pagbabago na kakalinga sa mamamayan.

Taliwas dito, pinakita ng masa, sa nagdaang ilang buwan ang kanyang lakas at kapangyarihan. Pinatunayan ng sama-samang pagkilos ang kakayahan ng masa na magpayanig sa kasalukuyang naghahari. At ang lakas na ito ay kayang magpatumba ng ilan pang rehimen. Ang lakas na ito ay kayang dalhin ang rebolusyon sa kanyang ganap na tagumpay.

Mga kabaro, tumanaw tayo lagpas pa sa halalan! Lumubog sa masa. Magmulat, mag-organisa, magmobilisa!

Sa kabulukan ng reaksyunaryong eleksyon, walang ibang landas ang dapat tunguhin kundi ang pagsusulong ng Demokratikong Rebolusyong Bayan! Sa pagtatagumpay lang ng rebolusyon, makakamit ang tunay na pagbabago. Sa pagtatag ng lipunang sosyalista lamang makakamit ang tunay na demokrasya.

https://cpp.ph/statements/kabulukan-ng-reaksyunaryong-eleksyon-ilantad-rebolusyon-ang-solusyon-kababaihan-sumapi-sa-makibaka-at-sa-bagong-hukbong-bayan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.