MADAAY GASIC
SPOKESPERSON
NPA-MINDORO (LUCIO DE GUZMAN COMMAND)
SOUTHERN TAGALOG REGIONAL OPERATIONAL COMMAND (MELITO GLOR COMMAND)
March 5, 2022
Nararapat na kondenahin, labanan at singilin ang pasista, kriminal at tiranong rehimeng US-Duterte at ang mga pasistang heneral sa kanilang krimen laban sa 126,000 Mindoreñong biktima ng paglabag sa karapatang pantao at internasyunal na makataong batas sa nakaraang tatlong taon.
Sa imbing layuning durugin ang rebolusyonaryong pwersa, ang mamamayan ang grabeng pinagmalupitan ng pasistang pwersa. Mula 2019 hanggang 2021 walang patid ang pananalasa nila sa 23 bayan o 92% ng kabuuang 25 bayan sa dalawang probinsya ng Mindoro: 14 sa Oriental Mindoro at siyam (9) sa Occidental Mindoro.
Pangunahing salarin ang berdugong 203rd Brigade at mga pangmaniobrang tropa nitong 76th IB, 4th IB, Division Reconnaisance Company (DRC), kasama ang Regional Mobile Force Battalion (RMFB) at Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng PNP-MIMAROPA. Inaasahang titindi pa ito matapos ibalik sa isla nitong Enero2022 ang berdugong 68th IBPA at idagdag ang isang kumpanya ng 80th IBPA.

Ang mga atrosidad ng Focus Military Operations (FMO) at Retooled Community Support Operations (RCSPO)
Isinagawa ng FMO ang “shock and awe tactics” o mga taktika upang sindakin ang mamamayan. Bahagi nito ang pambobomba at istraping mula sa ere, panganganyon, walang habas na pamamaril at pagkontrol sa mga komunidad. Ipinailalim sa RCSPO ang 81 pamayanan sa 14 na bayan sa dalawang probinsya at hindi bababa sa 70,000 katao ang direktang apektado. Ginawang baraks ang mga bahay, eskwelahan, barrio hall at iba pang pampublikong pasilidad. Paulit-ulit na nagaganap ang pang-aabuso at paglalapastangan sa karapatang-tao na labag at hindi katanggap-tanggap sa makataong lipunan.
Ibayong pinatindi ang mga FMO at RCSPO na gumagamit ng 10 kolum na laking platun o higit pang pwersang AFP-PNP-CAFGU. Paulit-ulit nilang ginalugad at niligalig ang maraming pamayanan sa dalawang probinsya ng isla. Dahil bigong kamtin ang target noong 2019-2020, idineklara ng SOLCOM ang Mindoro na “eye of the storm” ng kampanyang supresyon sa TK noong Enero 2021.
Isinakatuparan ang makahayop na indiscriminate bombing, artillery shelling at indiscriminate firing na bumiktima sa 18,510 katao. Hanggang ngayon, hindi pa maalis ang trauma ng mga pagsabog at putok ng baril sa mga biktimang residente ng Brgy. Panaytayan ng Mansalay, Brgy San Vicente ng Roxas, Brgy. Monteclaro ng San Jose, Brgy. Lisap ng Bongabong, Brgy. San Cristobal at Loyal ng Victoria.
Pinairal ang batas militar at population control sa 81 pamayanan na nilunsaran ng RCSPO. Nililimitahan ng mga pasista ang mga bibilhing pagkain at iba pang pangangailangan ng mamamayan. Nilimitahan din ang oras ng pagpunta at pag-uwi mula sa mga kaingin. Idinidikta maging ang mga isusuot, dadalhing gamit at aktibidad ng masa. Pwersahang pinapagiya ang kalalakihan sa mga operasyong militar. Araw-araw silang sapilitang pinagbabantay, pinagpapatrolya, pinaghahakot ng bigas, kagamitan at suplay nang walang kumpensasyon.
Ipinaiilalim ang mga sibilyan sa hindi makatarungang mga interogasyon. Marami ang tinurtyor at pwersahang pinasusuko. Pinag-iinitan, tinitiktikan, tinatakot at ginigipit ang mga kilalang aktibista at lider-masang nagtataguyod sa mga lehitimong interes at nagtatanggol sa mga karapatan ng mamamayan. Umabot sa 1,079 ang sapilitang “napasuko” sa balangkas ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Ginawang gatasang-baka ang E-CLIP ng mga korap na opisyal militar kasabwat ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno. Ilang salop na bigas, ilang delata at nudels ang natanggap ng mga “sumuko” samantalang ipinangalandakang P65,000 ang matatanggap ng bawat isa sa E-CLIP. Iilan ang nakatanggap ng Ph 15,000 o kaya P65,000 bilang showcase na pang-akit lamang sa masa.
Gatasan din ng mga korap na opisyales ng gobyerno’t militar ang Barangay Development Program (BDP) na pinundohan ng Ph16.4 bilyon. Diumano’y may P20 milyon ang bawat isa sa 17 cleared barangay kung saan nadurog na raw ang rebolusyonaryong kilusan. Subalit nakapakong pangako ang ipinapangalandakang mga proyekto ng BDP at nananatiling sadlak sa kahirapan ang mga mamamayan dito.
Naitala ang anim na kaso ng extrajudicial killings; 20 kasong iligal na pang-aaresto at detensyon; 19 kasong paniniil at paninira ng mga pribadong pag-aari; 73 kasong pananakot, panghaharas, illegal search, pisikal na pang-aatake at pamumwersa; 3 kasong pagpapakamatay ng katutubo dahil sa hindi matiis na mental torture; 12 kasong paglapastangan sa bangkay ng mga Pulang mandirigma na nasawi sa mga labanan. Habang mahigit sa 100 kasong red-taggging sa mga karaniwang mamamayan.
Masahol ang ginawang pagdukot ng 203rd brigade sa apat na taong gulang na batang si Mj upang pasukuin ang mga magulang nitong pinaghinalaang miyembro ng NPA. Dalawang buntis naman ang naagasan dahil sa pwersahang paglikas at panghihimasok ng mga pasista sa kanilang bahay. Samantala, anim na bahay ang sinunog ng 76th IB dahil pinagdudahang nagpahimpil sa mga NPA sa Brgy. Tuban, Sablayan.
Paglaban sa maruming gera ng rehimeng US-Duterte
Sa tatlong taong delubyong dulot ng FMO at RCSPO itinulak ang mga Mindoreño na lumaban.
Naghuhumiyaw ang mga karaingan ng mamamayan na lumaya mula sa mga bilangguang kampo-militar ng RCSPO. Tinututulan ang sapilitang treyning at pagrerekrut sa CAFGU. Sama-samang hinaharap ng mamamayan ang interogasyon sa kanila ng kaaway. Dumulog sila sa mga institusyon, organisasyson at opisina ng gobyerno na may kakayahang tumulong sa kanilang paghahanap ng katarungan. Nagsagawa sila ng delegasyon, petisyon at paghahapag ng reklamo sa mga opisina ng kanilang barangay at munisipal na pamahalaan.
Kongkretong nailantad ng kanilang karanasan ang mabangis na katangian ng pasistang estado. Tumaas ang kamalayan nila sa pagtatanggol ng kanilang mga karapatan. Pinatalas ang pag-unawa nila sa pambansa-demokratikong rebolusyong bayan. Ipinaglaban nila ang mga kagalingang tinatamasa nila sa ilalim ng demokratikong gobyernong bayan.
Buong giting na tinugon ng LDGC-NPA-Mindoro ang panawagan ng mamamayan na parusahan ang mga pasista. Sa tatlong taong nakaraan, nailunsad ng LDGC-NPA-Mindoro ang 61 taktikal na opensiba at mga aksyong militar na puminsala sa 149 pasista, 58 sa mga ito ang killed in action (KIA), 87 ang wounded in action (WIA) at 4 ang naging prisoners of war (POW). Ang walang pakundangang karahasan at pananalasa sa kabuhayan at nakasisira sa kalikasan na mga proyekto ng rehimeng US-Duterte ang dahilan ng patuloy nitong pagkahiwalay sa masang Mindoreño. Ang namumuong galit ng mamamayan ay sasambulat sa kanilang mukha sa tamang panahon.###
https://prwcinfo.wordpress.com/2022/03/05/hustisya-para-sa-126000-mindorenong-biktima-ng-tatlong-taong-terorismo-ng-rehimeng-us-duterte/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.