Sunday, February 27, 2022

CPP/NPA-Southern Tagalog ROC: Singilin at pagbayarin ang berdugong 203rd Brigade sa pambobomba sa kabundukan ng Mindoro!

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 27, 2022): Singilin at pagbayarin ang berdugong 203rd Brigade sa pambobomba sa kabundukan ng Mindoro! (Charge and make pay the butcher 203rd Brigade for the bombing in the mountains of Mindoro!)



Armando Cienfuego
Spokesperson
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army

February 27, 2022

Ligalig at terorismo ang hatid ng pambobomba ng 203rd Brigade sa hangganan ng Brgy. Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro at Brgy. Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro ngayong Pebrero 26. Karumaldumal at mala-halimaw ang mga pasista na isinantabi at isinasapanganib ang buhay at ari-arian ng MindoreƱo at katutubong Mangyan na nakatira sa lugar para lamang bigyang daan ang anti-komunistang gera nito. Dapat silang singilin at pagbayarin sa kanilang krimen sa bayan.

Kaninang 1:30 ng madaling araw, nagpalipad ang mga pasista ng dalawang FA50 sa hangganan ng Brgy. Lisap at Monteclaro at nagsagawa ng dalawang beses na aerial bombardment dito. Hindi pa nasapatan, pitong beses pang kinanyon ang lugar pagsapit ng 5:00 ng madaling araw at tumagal hanggang 6:30 ng umaga. Kasunod nito, nagpalipad ng dalawang Blackhawk Helicopter ang 203rd Brigade bandang 7:30 at 9:00 ng umaga at nagstraffing sa nasabing lugar bago magbaba ng mga pwersang pang-operasyong kombat sa erya.

Tinatayang libu-libong katutubong Buhid-Mangyan ang apektado sa atakeng panghimpapawid ng 203rd Brigade. Ilang ektaryang kaingin ang malamang na nasira sa pambobomba at panganganyon na magreresulta sa pagkagutom at pinsala sa hanapbuhay ng mga Mangyan.

Milyun-milyong piso ang inaaksaya ng AFP sa bawat pagpapalipad ng mga sasakyang pandigma at paghuhulog ng mga bomba sa himpapawid. Ang pondong ito ay mula pa sa kaban ng bayan na pinaghirapan ng mamamayang siyang ginagawang target ng kanilang mga operasyon. Bala at bomba ang ibinibigay ng mga gubyerno at berdugong AFP sa mamamayang ilang dekada nilang inabandona ng tulong at ayuda, kahit sa gitna ng pandemya.

Samantala, ang walang habas na pambobomba at panganganyon ng 203rd Brigade sa hangganan ng Brgy. Lisap at Monteclaro nang walang malinaw na target ay tahasang paglabag sa internasyunal na makataong batas na gumagabay sa kondukta ng gera. Nais ipangalandakan at iwasiwas ng teroristang AFP ang makabagong armas nito upang maghasik ng takot at teror sa mamamayan. Desperasyon ito ng teroristang rehimen at AFP para pahinain ang determinasyon ng mga Pulang mandirigma na lumaban at ng mamamayan na sumuporta sa rebolusyon. Dahil hindi nila magawang bigwasan ang mga yunit ng Lucio de Guzman Command (LDGC)-NPA Mindoro, ay ibinabaling nila ang kanilang pag-atake sa mga sibilyan.

Dapat paigtingin ng mamamayang MindoreƱo ang mga anti-pasistang pakikibaka laban sa pang-aatake ng 203rd Brigade. Marubdob na lumaban para tutulan ang paggamit ng mga makabagong sandatang wala namang ibang dulot sa bayan kundi paghihinagpis at pagdurusa. Makipagkaisa sila sa mamamayan ng rehiyon at buong bansa laban sa brutal at teroristang pambobomba sa himpapawid ng AFP.

Ipinapangako ng MGC-NPA ST na gagawin nito ang buong makakaya upang parusahan at biguin ang teroristang pambobomba ng AFP. Tapat ang NPA ST sa tungkulin nitong ipagtanggol ang mamamayan sa rehiyon laban sa pasismo at terorismo ng rehimen. Magpapakahusay ang mga Pulang mandirigma at kumander nito sa pag-aaral at pagkilala sa mga makabagong sandata ng kaaway upang mapalang-saysay ang gamit nito ng rehimen.

Inaatasan ng MGC-NPA ST na maglunsad ng mga taktikal na opensiba ang mga yunit ng Hukbo sa rehiyon. Maging mapanlikha sa pakikitungo sa mga makabagong sandata ng kaaway. Bigwasan sila at panatilihing bulag at bingi sa presensya ng NPA. Pinatunayan noong Enero 2021 na ang determinadong Hukbo at masa sa isla ng Mindoro ay kayang paatrasin ang Blackhawk helicopter. Dapat pag-ibayuhin ng lahat ng mga Pulang mandirigma sa rehiyon ang tapang, gulang at kahandaan sa sakripisyo at kamatayan upang isulong ang digmang bayan sa mas mataas na antas.###

https://cpp.ph/statements/singilin-at-pagbayarin-ang-berdugong-203rd-brigade-sa-pambobomba-sa-kabundukan-ng-mindoro/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.