Sunday, February 27, 2022

CPP/NDF-MAKIBAKA-ST: Pinakamataas na pagpupugay at pagkilala sa dakilang buhay ni Kevin “Ka Facio” Castro, martir ng Timog Katagalugan, bayani ng masang anakpawis!

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 25, 2022): Pinakamataas na pagpupugay at pagkilala sa dakilang buhay ni Kevin “Ka Facio” Castro, martir ng Timog Katagalugan, bayani ng masang anakpawis! (Highest tribute and recognition to the great life of Kevin “Ka Facio” Castro, martyr of Southern Tagalog, hero of the toiling masses!)



Makabayang Kilusang ng Bagong Kababaihan-Southern Tagalog
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines

February 25, 2022

Mariing kinukundena ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan-Southern Tagalog ang walang pagpaslang kay Kevin Castro, dating tagapagsalita ng National Union of Students of the Philippines mula sa berdugong kamay ng 1st Infantry Battalion ng Philippine Army noong ika-21 ng Pebrero 2022 sa Polillo, Quezon.

Si Kevin Castro ay lider-estudyante mula sa UP Diliman College of Education na may standing na batch valedictorian at magna cum laude. Sa kabila ng mahusay na academic credentials, pinili niyang ilaan ang kanyang talino, lakas, at buong panahon bilang guro sa mga bayan ng Quezon na hindi naaabot ng serbisyo ng gobyerno. Noong estudyante pa lamang si Ka Facio ay batid nya at danas nya ang kabulukan at anti-mamamayang pamamahala ng ating gobyero, higit lalo sa edukasyon. Isa si Ka Facio sa mga kabataang estudyante na nahihirapan sa napakataas na tuition fee at iba pang bayarin sa eskwelahan upang makapasa lamang.

Dahil sa tindi ng pasismo sa bansa at pag atake sa mga kabataang estudante at mamamayan, walang alinlangan niyang tinahak ang armadong pakikibaka, at sumali sa Bagong Hukbong Bayan. Dahil batid niya ito na lamang ang tunay na magpapalaya sa mga kabataang estudyante at mamamayang inaapi’t pinagsasamantalahan. Batid niyang walang maasahan tulong ang mamamayan mula sa isang pasista at papet na Rehimeng US-Duterte, maging sa mga tuta nitong berdugong AFP at PNP. Sa takot ni Duterte at ng AFP at PNP na malantad ang kanilang kabulukan, pinatatahimik nila ang pag-oorganisa ng mga kasapi ng Bagong Hukbong Bayan sa mga magsasaka sa kanayunan, upang mapanatili ang kanilang paghaharing uri, at mapanitiling bulag ang mamamayang Pilipino sa tunay na nangyayari sa bansa. Alam ng AFP at PNP na tama ang ipinaglalaban ni Ka Fracio at ng mga kabataan kaya pilit nilang nililinlang ang mga mamamayan sa pagsasagawa ng Black-Propaganda, at walang tigil din na pagsasagawa ng Police and Military Operations sa mga kanayunan upang tugusin ang mga kasapi ng Bagong Hukbong Bayan.

Ang Makabayang kilusan ng Bagong Kababaihan ay taas kamaong nagpupugay kay Ka Facio para sa kanyang paglilingkod sa sambayanang inaapi’t pinagsasamantalahan buhay man ay ialay. Kahanga-kahanga ang kanyang kagitingan, maging ang walang alinlangan pagtangan ng armas at sumapi sa Bagong Hukbong Bayan, dahil ito lamang ang tunay na magpapabagsak sa bulok na sistemang umiiral, at magpapalaya sa sambayanang Pilipino mula sa pasismong pamumuno ng rehimeng US-Duterte. Sama-sama nating pabagsakin ang pasistang rehimeng Duterte, upang matigil at hindi na lumala pa ang kaharasan at kaso ng paglabag sa karapatang pantao, na pinangungunahang ng AFP at PNP dahil pinoprotektahan sila ng Anti-Terror Law ni Duterte, ito ang batas na nadadala ng panganib sa mamamayang Pilipino.

Nanawagan ang Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan na kumilos at sumapi sa Bagong Hukbong Bayan! Patalsikin ang pabayan, papet at pasistang si Duterte!

Hustisya sa walang awang pagpaslang kay Kevin “Ka Facio” Castro!

Panagutin ang berdugong 1st Infantry Battalion ng Philippine Army!

Patalsikin ang pasistang rehimeng Duterte!

Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!

https://cpp.ph/statements/pinakamataas-na-pagpupugay-at-pagkilala-sa-dakilang-buhay-ni-kevin-ka-facio-castro-martir-ng-timog-katagalugan-bayani-ng-masang-anakpawis/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.