Patnubay de Guia
Spokesperson
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines
February 27, 2022
Mariing kinukundena ng National Democratic Front-Southern Tagalog ang isinagawang walang patumanggang aerial bombing, strafing at artillery shelling ng berdugong 203rd Bde ng Philippine Army sa hangganan ng mga Brgy. Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro at Brgy. Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro mula alas-5 ng umaga kanina.
Matinding takot at pinsala na naman ang idinulot nito sa buhay at kabuhayan ng mga katutubong Buhid sa lugar. Walang pakundangang inulit lamang ng mga berdugong 203rd Bde ang serye ng mga aerial bombing, strafing at artillery shelling sa nabanggit na hangganang mga barangay na nangyari mula Abril 29 hanggang Mayo 4, 2019 kasabay ng inilulunsad nilang malawakang focused military operations at gayundin noong Marso 2021. Sa nabanggit na serye ng mga operasyong militar ng 203rd Bde pawang mga inosenteng sibilyan ang kanilang nabibiktima. Nagdulot ito ng malawakang dislokasyon ng ilanlibong pamilya ng mga katutubong Buhid at Hanunuo at iligal na pag-aresto at sapilitang pagpapasuko sa mahigit 30 katao.
Nagkukubli ang 203rd Bde sa malalakas nilang mga sandata para sindakin ang mamamayan at palayasin sila sa kanilang mga komunidad nang sa gayo’y mabigyang laya ang gagawing muling panghahalihaw sa kabundukan ng Mindoro. Sa likod nito ang kanilang imbing layuning “sairin ang tubig upang wala nang malanguyan ang mga isda” o putulin ang suporta ng katutubong mamamayan at mga magsasaka sa Mindoro sa New Peoples Army.
Mahaba na ang maruming rekord ng berdugong 203rd Bde tulad ng iba pang yunit ng militar sa Timog Katagalugan sa paglabag sa karapatang tao at sa mga alituntunin sa digma na itinatakda ng mga pandaigdigang kasunduan. Lagi nilang ginagawang lehitimong target ng kanilang pagpaslang at iba pang pasistang aktibidad ang mga sibilyan, laluna ang katutubong mamamayan at magsasaka sa Mindoro para palabasing nagtatagumpay ang kanilang mga plano at aktibidad ng “pagdurog” sa rebolusyonaryong kilusan sa isla. Kabilang sa mga ito si Omeng Cahelo at Tatay Frentes Gutierrez na pinaslang noong 2019 sa Calintaan, at si Badoy Dela Cruz na pinaslang noong 2021 sa Magsaysay.
Hindi maunawaan at matanggap ng mga berdugong kriminal at mersenaryong militar na lalo lamang nilang pinapaypayan ang apoy ng galit at determinasyon ng mamamayang labanan ang kanilang mga pasistang pakana. Lalo lamang nilang itinutulak ang mamamayang sumalig sa NPA bilang kanilang tunay na hukbong nagtataguyod sa kanilang kaligtasan at kapakanan. Ang ganitong mga pagkakataon ang higit na nagpapatunay na walang ibang daan tungo sa tunay at pangmatagalang kapayapaan kundi ang armadong paglaban na inilulunsad ng NPA sa pamumuno ng Communist Party of the Philippines.
Nananawagan ang NDF-ST sa mga mamamayang Mindoreño na patuloy na ilantad at labanan ang kahayupang ginagawa ng 203rd Bde, 4th IBPA at iba pang yunit sa ilalim ng berdugong brigada laban sa kanila. Kailangang igiit ng mamamayan ang pagpapatigil sa ginagawang pag-atake ng 203rd Bde laban sa mga katutubong Mangyan at mamamayang Mindoreño. Kasabay nito, dapat nilang singilin at papanagutin ang SOLCOM, ang 203rd Bde at mga yunit sa ilalim nito sa kanilang humahabang krimen laban sa mamamayang Mindoreño.
Nananawagan rin kami sa mga tunay at tapat na lingkod-bayan, abugado at mga makataong organisasyon na tulungan ang mga biktima ng pambobomba at panganganyon sa Mindoro. Kasabay nito, kailangang manindigan sila para sa pagtataguyod ng karapatang tao at batikusin ang paggamit ng rehimen at mga yunit ng AFP ng mga sandata ng teror laban sa mamamayan na tahasang paglabag sa International Humanitarian Law (IHL) at sa Comprehensive Agreement on the Respect of Human Rights and International Law (CARHRIHL) na kasunduang pinirmahan ng GRP sa usapang pangkapayapaan nito sa NDFP. Kailangang iparating ito sa internasyunal na komunidad upang ilantad ang mga karumal-dumal na krimen ng pasistang rehimen at magsilbing dagdag na kaso ni Duterte at ng AFP sa mga krimen nito laban sa sangkatauhan.
Pag-ibayuhin ang pakikibaka ng mamamayang Mindoreño laban sa pasismo at ibuhos ang kanilang suporta sa armadong pakikibaka sa pamumunong CPP!###
https://cpp.ph/statements/itigil-ang-walang-patumanggang-pambobomba-at-panganganyon-ng-203rd-bde-sa-mga-komunidad-ng-mangyan-sa-mindoro/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.