Madaay Gasic
Spokesperson
NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command)
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army
February 26, 2022
Mariing kinokondena ng LDGC-NPA Mindoro at ng mamamayang Mindoreño ang walang pakundangang pang-ereng pambobomba, pag-iistraping at panganganyon ng teroristang AFP sa mga pamayanan ng mga katutubong Mangyan sa saklaw ng mga bayan ng Bongabong, Oriental Mindoro at San Jose, Occidental Mindoro kahapon, Peb 26, 2022.
Habang inaatake ng Russia ang Ukraine at nagbabantay ang mamamayan ng daigdig sa pinsala ng bagong putok na gerang pinaypayan ng imperyalistang US, abalang-abala naman ang mga pasista at mersenaryong 203rd Brigade at mga batalyon at yunit sa ilalim nito sa pananalasa at paghahasik ng teror at karahasan sa mamamayang Mindoreño. Ginamit na sa panibagong siklo ng RCSPO ang bagong dating na 68IB mula sa Basilan at isang bahagi ng 80IB mula sa probinsya ng Rizal bilang karagdagang mga mersenaryong batalyon sa 4IB at 76IB sa pananalasa sa isla.
Gamit ang mga modernong kagamitang pamuksa ng teroristang rehimeng Duterte, ginulantang at ginising ang mga natutulog na mamamayan sa hanggangan ng dalawang barangay ng Lisap ng Bongabong at Monteclaro ng San Jose ng pambobomba (aerial bombing) ng dalawang FA50. Sinundan ito ng pitong beses na panganganyon bandang alas 5 ng madaling araw sa parehong lugar. Bandang alas 7:30 naman hanggang alas-9 ng umaga ay dalawang Blackhawk helicopter ang nagpabalik-balik at nag-istraping sa kabundukan bago naglapag ng mga pasistang tropa sa lugar.
Hudyat ang pag-atakeng ito sa mga sibilyan ng panibagong operasyon ng mga AFP-PNP sa pagtupad sa utos ng kanilang among pasista, teroristang si Duterte na final push upang durugin ang CPP-NPA-NDFP at buong rebolusyonaryong kilusan bago matapos ang kanyang termino sa Hunyo 2022 — isang panata at panaginip ng rehimeng Duterte na tiyak na mabibigo — tulad ng iba pa niyang pangako sa sambayanang Pilipino na nauwi sa mga karumal-dumal na krimen at paglabag sa karapatang pantao, malalang korapsyon sa gubyerno at labis na kahirapan sa mamamayan.
Ang pinaglunsaran ng pinakahuling pambobomba at malawakang RCSPO ng AFP-PNP sa isla ng Mindoro ay hangganan ng dalawang probinsya at pamayanan ng mga katutubong Mangyang Buhid, Hanunuo at mga Bangon — mga katutubong umaasa sa pagkakaingin at pag-aalalaga ng ilang mga hayop. Binulabog ng teroristang pambobombang ito ang kasalukuyang pinagkakaabalahan ng mga katutubo at mga magsasaka na paglilinis ng kanilang mga kaingin at taniman bilang paghahanda para sa pagtatanim ng mais, palay, at mga rootcrops tulad ng kamote, gabi at iba pa pagdating ng tag-ulan.
Ang mga lugar ding ito ay may mga tukoy na presensya at deposito ng mga mina kabilang ang natural gas, carbon, nickel at ginto at iba pang mineral. Mahigpit na tinututulan ng mga katutubo ang pagmimina dahil tiyak na palalayasin sila sa kanilang mga lupaing ninuno. Sa muling pagpapahintulot ng open-pit mining matapos na alisin ang supensyon nito noong nakaraang ilang taon, babalik muli ang mga mapaminsalang minahan na walang ibang idudulot sa mga Mindoreño kundi ang pagkawala ng kanilang mga lupaing ninuno samantalang paghuhuthutan naman ng malaking tubo ng mga lokal at dayuhang negosyanteng magmimina.
Matatandaang noong nakaraang Marso 2021 ay napilitang lumikas mula sa kanilang mga pamayanan ang 18,000 mamamayan sa hangganan ng mga bayan ng Roxas-Bongabong at San Jose dahil sa pagpapakawala ng 11 bala ng howitzer ng AFP-PNP MIMAROPA sa Brgy. Panaytayan, Mansalay—sa simpleng paliwanag ng 203rd Bde na nagtetesting lamang sila ng mga bagong gamit militar.
Di pa nakakabawi ang mamamayan mula sa inihasik na teror ng AFP-PNP MIMAROPA na nagresulta sa mga malalang kaso ng paglabag sa karapatang pantao noong nakaraang taon. Kabilang dito ang mga pagpaslang (1), iligal na pag-aresto (8), red-tagging (50), pananakot at harasment (33), sapilitang pagpapasuko (794), hamletting (31,000), sapilitang ebakwasyon (15,000) at iba pang paglabag. Ngayon ay may panibago na namang operasyong militar na tiyak na tiyak na magpapahirap at magdudulot ng malaking panganib sa buhay at kabuhayan ng mamamayan sa mga kabundukan ng Mindoro.
Labis na kasuklam suklam ang ginagawa ng mga pasistang AFP na lansakang pag-atake sa mga sibilyan at pamayanan ng mga katutubo. Pinapatunayan nitong pinagsisilbihan ng AFP ang interes ng mga dayuhang negosyante at burgesya komprador na naghahangad na palayasin ang mga Mindoreño at katutubong Mangyan para ilusot ang kanilang mapaminsalang proyekto sa lugar. Isa ring karuwagan ang gamitin ang mga bago at modernong kagamitang militar ng AFP at itutok ang mga ito sa mga hindi armadong mamamayan. Bukod pa sa pinopodohan ito ng buwis mula sa pawis at dugo ng mamamayan.
Dapat na magkaisa ang mamamayang Mindoreño sa paglalantad at pagtutol sa mga karahasan ng mga pasistang militar na nagdudulot ng ibayong ligalig, panganib at takot sa mga Mangyan at mga magsasaka. Dapat tutulan ang paglabag sa mga batas ng digma at internasyunal na makataong batas. Dapat dumugsong sa pakikibaka ng mga katutubong mamamayan ang pakikibaka ng mga magsasaka, manggagawa at iba pang sektor sa islat upang mabuo ang isang malakas na kilusang masa laban sa pasismo at para sa pagtatanggol sa karapatang pantao.
Dapat papanagutin ang rehimeng Duterte, at ang pasistang militar ng 2nd ID at mga yunit sa ilalim nito sa pagsasapanganib sa mga sibilyan at sampahan sila ng mga kaso sa hukumang bayan at internasyunal na mga korte.
Dapat ilunsad ang mga kakayaning taktikal na opensiba ng Bagong Hukbong bayan upang parusahan at pagbayarin ang mga palalo at pasistang 203rd Bde-PNP MIMAROPA.###
https://cpp.ph/statements/parusahan-ang-203rd-bde-sa-lansakang-pambobomba-sa-mindoro-ipagtanggol-ang-lupaing-ninuno/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.