NPA-EAST CAMARINES SUR (TOMAS PILAPIL COMMAND)
November 20, 2021
Alinsunod sa pambansang patakaran ng Partido Komunista ng Pilipinas, hinihikayat ng Tomas Pilapil Command – Bagong Hukbong Bayan East Camarines Sur ang masa na magpabakuna. Kasabay ng makabuluhang ayuda, dapat nating igiit ang karapatan sa ligtas at maka-masang akses dito. Bagamat ang pagdadamayan at pagkilos ng komunidad ang mapagpasya upang maharap ang pandemya, malaki ang maitutulong ng pagbabakuna para sa ating kaligtasan at panunumbalik sa normal na pagkilos.
Lalo nating nararapat na igiit ang karapatang ito sa harap ng lantarang pagkakait ni Duterte na laanan ng sapat na suplay ng bakuna ang Bikol. Pumapangalawa ang rehiyon sa mga may pinakamababang antas ng pagbabakuna. Hindi ito kasalanan ng publiko. Walang magpapabakuna kung wala namang bakuna.
Sa katunayan, sa halip na bakuna, militar ang dumadagsa sa ating mga komunidad dito sa Bikol. ‘Di hamak na mas nakamamatay ang atakeng militar kaysa COVID-19. Subalit, masahol, pareho ang mga dala-dala ng army at pulis sa kanilang panghihimasok at militarisasyon sa ating mga baryo. Terorismo at bayrus ang dala-dala ng mga operasyong militar na Retooled Community Support Program (RCSP) at focused military operations (FMO) sa mga komunidad.
Sa ika-apat na distrito ng Camarines Sur, mas maraming baryo ang inooperasyon ng militar kaysa may sapat na suplay ng bakuna. Numero unong tagalabag ng karapatang tao at mga protokol ng COVID-19 ang militar sa kanilang iligal na pagcensus, pagbabahay-bahay, pagpapasabong, sapilitang pang-iimbestiga at pagpapasuko. Matindi pa sa lockdown ang kanilang pagkontrol at pagbawal sa aktibidad at kabuhayan ng taumbaryo. Higit sa lahat, baril at hindi bakuna ang ipinatuturok sa masa. Nito lamang Nob. 3, 2021, pinatay ng militar ang magsasakang si Nilo Habal matapos akusahang NPA. Isa ang baryo ni Habal sa mga barangay na kasalukuyang inooperasyon ng militar sa bayan ng Caramoan.
Malupit na lockdown, batas militar at maruming gera ang ipinantatapat ni Duterte sa kanyang walang kapantay na pagpapahirap sa taumbayan. Mas prayoridad ni Duterte na pumatay at manatili sa poder kaysa iligtas ang taumbayan sa pandemya. Ito ay upang hadlangan ang ating paglaban at pagpapanagot sa kanyang mga krimen, kabilang ang palpak na pagharap sa pandemya.
Sa gitna ng tumitinding krisis, walang ibang solusyon kundi ang magkaisa at lumaban. Maraming mapagtatagumpayan ang sama-sama at matapang na pagkilos ng komunidad. Kaya nitong makamit ang karapatan sa bakuna, ayuda at iba pang makabuluhang suportang medikal at pangkabuhayan. Matitiyak nito ang seguridad sa pagkain at pagpapataas ng antas ng produksyon ng buong komunidad. Kaya rin nitong makapagpalayas ng anumang operasyong militar at tumutol sa anumang kontra-mamamayang proyekto ng gubyerno. Sa lahat ng ito, higit na nararapat ang magpabakuna upang makabuwelo sa pagkilos, todo-todong malabanan ang militarisasyon at atake ni Duterte sa ating lupa, buhay at kabuhayan.
Pinakamakapangyarihan nating sandata ang pagsusulong ng armadong rebolusyon. Ito ang pinakamataas na antas na maaabot ng ating pagkakaisa. Sa pagsuporta at paglahok sa digmang bayan, tunay na matatagpuan ang kaligtasan. Dito natin matagumpay na malalampasan ang pandemya. Dito natin makakamit ang hustisya sa mga biktima ng abuso at karahasang militar. Dito natin tunay na maipagtatanggol ang ating lupa, karapatan at buhay. Higit sa lahat, dito natin tunay na matatamasa ang isang ligtas, maunlad at malayang kinabukasan. Kailanma’y katuwang at tagapagtanggol ninyo ang Tomas Pilapil Command – Bagong Hukbong Bayan sa laban para sa tunay na pagbabago.
Lupa at karapatan, ipaglaban!
Ibagsak ang rehimeng US-Duterte!
Sumampa sa Bagong Hukbong Bayan! Sumapi sa Partido Komunista ng Pilipinas!
Isulong ang demokratikong rebolusyong bayan!
https://prwcinfo.wordpress.com/2021/11/20/bakuna-tiyakin-militar-palayasin-duterte-pabagsakin-isulong-ang-rebolusyon/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.