Monday, July 5, 2021

Kalinaw News: Mga rebeldeng NPA, sumuko sa 98th Infantry Battalion

Posted to the Kalinaw News Website (Jul 3, 2021): Mga rebeldeng NPA, sumuko sa 98th Infantry Battalion



CAMP MELCHOR F DELA CRUZ, Upi, Gamu, Isabela-Isinuko ng anim na mga Former Rebels at dating mga taga-suporta ng teroristang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang kanilang mga baril sa hanay ng 98th Infantry Battalion sa Sitio Nursery, Barangay Disulap, San Mariano, Isabela nang ika-01 ng Hulyo taong kasalukuyan.

Isinuko sa kasundaluhan ang tatlong M1 Garand Rifle, isang homemade shotgun, isang 357 caliber pistol revolver, anim na garand ammunition clip, 32 pirasong bala ng garand rifle, at tatlong bala ng shotgun. Ito ay matapos ang isinagawang dayalogo ng tropa ng pamahalaan sa mga residente ng nasabing barangay.

Sa kasalukuyan, pinoproseso na ang mga kinakailangang dokumento upang makuha nila ang kanilang tulong pinansyal para sa kanilang pagbabagong buhay.

Ayon sa mga Former Rebels, mas mainam na isuko ang naturang mga armas sa pwersa ng pamahalaan kaysa sa maibalik pa ang mga ito sa teroristang CPP-NPA.

Sa mensahe ni MGen Laurence E Mina, Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army “Pagtulungan nating wakasan ang insurhensiya sa ating lugar. Isulong natin ang kapayapaan at itaguyod ang pag-unlad ng bawat isa. Magtulungan tayo upang maabot natin ito!”

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/mga-baril-isinuko-ng-mga-dating-miyembro-at-taga-suporta-ng-teroristang-cpp-npa/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.