Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jun 26, 2021): Pananalasa ng RCSP sa Partido Area: Pandarambong ng mga likas-yaman, pagwawasiwas ng teror sa mga komunidad
BALDOMERO ARCHANGHESPOKESPERSON
NPA-EAST CAMARINES SUR (TOMAS PILAPIL COMMAND)
BICOL REGIONAL OPERATIONAL COMMAND (ROMULO JALLORES COMMAND)
NEW PEOPLE'S ARMY
JUNE 26, 2021
Dinudumog ng militar ang Partido area. Mula sa siyam na barangay noong Mayo, 23 nang barangay o 61% ng bayan ng Tinambac ang sinasalanta sa kasalukuyan ng operasyong Retooled Community Support Program (RCSP). Tatlong barangay sa Lagonoy at dalawa pang barangay sa Goa ang militarisado rin.
Tapat sa pagiging mersenaryo, nagsisilbing goons ng mga dambuhalang dayuhang kumpanya sa pagmimina, quarrying at ekoturismo ang AFP-PNP-CAFGU. Matagal nang target ng mga operasyong militar ang Partido Area dahil sagana ito sa likas na yaman. Taktikal ang pwesto ng Tinambac dahil dito nakapalibot ang Siruma, Lagonoy at Caramoan, na pinakamalaking water reservoir sa Camarines Sur. Ang malalawak na kabundukan ng Partido Area ang siya ring pinagkukuhaan ng iba’t ibang mineral at punongkahoy na ineeksport sa ibang bansa. Ang mga operasyon ng SOT, PDT at, ngayon, RCSP, ay nagsisilbing pamamaraan upang hawanin ang lahat ng hadlang sa tuluy-tuloy na operasyon ng mga minahan at pagpapatayo ng malalapad na kalsada para sa mga dump truck ng mga ito at iba pang mapaminsalang proyekto.
Kung gaano kasunud-sunuran sa mga kapitalista, siya namang tigas ng mukha ng militar habang naghahari-harian sa mga komunidad. Labag sa International Humanitarian Law, inangkin na ng militar ang mga eskwelahan at mga barangay hall sa Tinambac at ginawang base o HQ ang mga ito para sa mga tim na nagsasagawa ng RCSP. Sa Brgy. Bayang, Pantat, kinuha na ng 83rd IBPA ang susi ng eskwelahang ginagamit nila. Tuluy-tuloy din ang interogasyon at pambabanta ng militar sa buhay ng masang anakpawis. Isinasailalim nila sa matinding interogasyon kahit ang mga magsasakang nakakasalubong lang nila habang ginagalugad ang mga kabundukan at mga baryo. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin nila ilinilitaw ang kabataang magsasaka dinukot sa Sitio Pagsimbugan, Brgy. Mapid, Lagonoy noong Abril.
Mahigpit na nananawagan ang TPC-BHB East Camarines Sur sa lahat ng mga residente ng Partido Area na palakasin ang kanilang pagkakaisa at pagkilos laban sa RCSP at sa iba pang pasistang pakana ng rehimeng US-Duterte. Ipagtanggol ang kanilang mga komunidad, ang kanilang buhay at kabuhayan mula sa pananalasa ng mga berdugo.
Higit kailanman, dapat palakasin ng mamamayan ang kanilang pagkakaisa at suporta at paglahok sa armadong pakikibaka bilang depensa sa pananalasa ng pasismo. Sinumang nasa wastong edad, nasa maayos na pangagatawan at pag-iisip at handang magsilbi sa kanilang kapwa ay buong-lugod na tatanggapin ng Pulang hukbo sa kanilang mga yunit.
Hamon ito para sa mga kumander at mandirigma ng TPC-BHB East Camarines Sur na lahatang-panig na magpakahusay upang epektibong maipagtanggol at maorganisa ang masa upang mapataas ang antas ng kanilang paglaban. Mayroon man o walang operasyong militar, katuwang ng masa ang kanilang Hukbo upang isulong ang kanilang interes.
Biguin ang FMO at RCSP! Biguin ang Oplan Kapanatagan!
Ibagsak ang rehimeng US-Duterte!
Lumaban at lumaya! Magkalda sa tingating!
https://cpp.ph/statements/pananalasa-ng-rcsp-sa-partido-area-pandarambong-ng-mga-likas-yaman-pagwawasiwas-ng-teror-sa-mga-komunidad/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.