Posted to Kalinaw News (Jan 14, 2021): Proyektong TALAGA inilunsad ng PRLEC sa Rizal, Cagayan
CAMP MELCHOR F DELA CRUZ, Upi, Gamu, Isabela- Inilunsad ng Poverty Reduction Livelihood and Employment Cluster (PRLEC) ang proyektong TESDA Alay ay Liwanag at Asenso Gamit ang enerhiya ng Araw (TALAGA) sa Barangay Minanga, Rizal, Cagayan noong ika-13 ng Enero taong 2021.
Sasailalim sa labinlimang araw na pagsasanay ang nasa 27 na mga indibidwal sa ilalim ng proyektong TALAGA na pangungunahan ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA katuwang ang 501st Infantry Brigade, 5th Infantry Division Philippine Army at iba pang mga miyembro ng PRLEC. Ito ay upang matutunan ng mga benepisyaryo ang paggawa ng Solar Panel na magbibigay ng elektrisidad sa naturang barangay na magbibigay liwanag lalo na tuwing pagsapit ng gabi at upang mabigyan din sila ng pangkabuhayan sa pamamagitan ng Photovoltaic (PV) Systems Installation.
Binigyang diin ni Josephine Cabrera ng TESDA ang kahalagahan ng naturang pagsasanay dahil makatutulong ito sa pagbibigay ng liwanag sa mga tahanan ganundin bilang hanap-buhay ng mga residente. Aniya, daan ito upang makamit ang asenso at progreso.
Sa naging pahayag naman ni Punong Barangay Elmer Echemane, malaki ang kanyang naging pasasalamat sa pagsisikap ng mga miyembro ng PRLEC na marating ang kanilang lugar at maipaabot sa mga residente ang kanilang proyekto, “Matagal nang panahon na inabuso ng mga rebeldeng CPP-NPA ang aming barangay. Kaya mas lalong tumindi ang hirap ng kalagayan namin dito. Kaya nagpapasalamat kami sa TESDA, sa kasundaluhan, maging sa kapulisan at iba pang mga ahensya ng pamahalaan na patuloy na nagsusumikap upang maiparating ang mga proyekto at serbisyo publiko. Napakalaking tulong ng protektong ito upang magsimulang bumangon at umasenso ang bawat isa sa amin.”
Sinabi naman ni Col Steve D Crespillo (MNSA) PA, Commander ng 501st Infantry Brigade na hindi pababayaan ng kasundaluhan ang kanilang lugar, “Your Philippine Army will continue to assist the Local Government Units, National Government Agencies and Non-Government Organizations to ensure the delivery of basic services to the communities. We have the Community Support Program in the insurgency affected areas to help them and facilitate the delivery of government projects and programs.”
Samantala, sinabi naman ni MGen Laurence E Mina PA, Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army na patuloy na makikiisa at makikipagtulungan ang Startroopers sa pagpapa-abot ng mga programa at proyekto ng pamahalaan katuwang ang mga miyembro ng PRLEC. Aniya, ang proyektong TALAGA ang magsisilbing simbolo ng pag-asa ng mga residente, “Ang proyektong ito ang magbibigay ng liwanag hindi lamang sa inyong mga tahanan kundi maging sa inyong kinabukasan. Hindi natin hahayaang hadlangan ng mga teroristang CPP-NPA ang pagsulong ng kaunlaran sa inyong barangay.”
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/proyektong-talaga-inilunsad-ng-prlec-sa-rizal-cagayan/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.