Friday, November 13, 2020

Kalinaw News: Pamamahagi ng tulong pang-agrikultura, isinagawa ng kasundalohan ng 3rd Infantry Battalion

Posted to Kalinaw News (Nov 12, 2020): Pamamahagi ng tulong pang-agrikultura, isinagawa ng kasundalohan ng 3rd Infantry Battalion



Malagos, Baguio District, Davao City- kasama ang kasundaluhan ng 3rd Infantry (Regardless of What) Battalion, 7th Infantry (Kaugnay) Division, Philippine Army sa pamumuno ni LTC JUVENAL MARK T TAYAMEN INF (GSC) PA, katuwang ang Department of Agriculture ay namahagi ng mga tulong pang agrikultura sa mga myembro ng Pundok te Talaghimo Handicraft Matigsalog Association sa Kitao-tao, Bukidnon noong ika-07 ng Nobyembre taong 2020.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Bae Mary Ann Lindoyan at sa pakikipagtulungan ng Bravo Company at Alpha Company ng 3IB sa pamumuno ni 1LT ARGIE C BARTIQUIL (INF) PA at 1LT RICK ERLWIN ALEMAIDA (INF) PA ay namigay ng tulong pang agrikultura sa mga magsasaka upang maging panimula sa kanilang pagsaka. Ilan sa binigay ay isang (1) Sakong buto ng mais, dalawang (2) Sako ng abono at dalawamput anim (26) na piraso ng ibat ibang klase na buto ng gulay.

Ayon kay LTC TAYAMEN: “kayang wakasan ang problema sa insurhensiya kung lahat ay mag tulong tulong. Dagdag niya na “Ang kasundaluhan ng 3ib, kasama ng iba’t-ibang ahensya ng ating pamahalaan ay nakahandang maglingkod at tumulong sa ating mamamayan upang makamit ang matagal ng minimithing kapayapaan at kaunlaran para sa sambayanang Pilipino”.



https://www.kalinawnews.com/pamamahagi-ng-tulong-pang-agrikultura-isinagawa-ng-kasundalohan-ng-3rd-infantry-battalion/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.