Wednesday, November 25, 2020

Kalinaw News: Advocacy rally ginanap sa Pandi, Bulacan

Posted to Kalinaw News (Nov 25, 2020): Advocacy rally ginanap sa Pandi, Bulacan



Doña Remedios Trinidad, Bulacan –Nagsagawa ng advocacy rally ang mga kasapi ng Pagkakaisang Mamamayan Tungo sa Kaayusan o PMTK sa BJMP/BFP Housing, Barangay Cacarong Matanda, Pandi, Bulacan ika-24 ng Nobyembre 2020.

Matatandaan na ang PMTK ay mga dating miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o KADAMAY kung saan kumalas sila matapos malaman na may ibang agenda ito na siyang konektado sa mga makakaliwang grupo. Ito’y matapos sila sumailalim sa mga pag-aaral at pagtuturo na ayon sa kanila ay laban sa pamahalaan at gobyerno.

Humigit kumulang 100 kasapi na binubuo ng mga lider ng PMTK ang sumali sa advocacy rally bilang suporta sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at sa Hands off our children. Ito’y suporta na rin sa hanay nila Ka Eric sa ginagawang Senate hearing hinggil sa red-tagging issue.

Ang rally ay nagpapahayag din ng kanilang pag kundina sa CPP-NPA-NDF, pagpapahayag ng hindi pagsuporta sa Makabayan Bloc, at sa pagpapahayag na ang red-tagging ay mismong terminong nanggaling sa pinuno ng CPP-NPA-NDF na si Joma Sison.

“Dapat po iyan (Makabayan Bloc) ay mapawalang bisa at dapat po iyan ay tutulan dahil po ang mga kabataan ang una nilang nilalapitan at pinupuntahan para maparami ang miyembro nila. Huwag po tayong magpalinlang at magpadala sa kanilang matamis na salita.Narito na po tayo sa gobyerno, huwag na po natin silang hayaan magtayo ng organisasyong lalaban sa atin.”, sambit ni Georgina Tolston dating KADAMAY member.

Dagdag ni Lieutenant Colonel Felix Emeterio M. Valdez, Commanding Officer 48IB, “Nais namin na magkaroon ng sapat na kaalaman ang taong-bayan upang mamulat ang lahat sa katotohanan. Makakamit natin ang tunay na kapayapaan na kaakibat ang kaligtasan kung tayong lahat ay magtulungan masugpo at matapos ang insurhensiya sa ating bansa. “

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/advocacy-rally-ginanap-sa-pandi-bulacan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.