Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Nov 23, 2020): Katarungan para kay Armando Buisan!
CLEO DEL MUNDOSPOKESPERSON
NPA-QUEZON
APOLONIO MENDOZA COMMAND
SOUTHERN TAGALOG REGIONAL OPERATIONAL COMMAND
MELITO GLOR COMMAND
NEW PEOPLE'S ARMY
NOVEMBER 23, 2020
Kinukundena ng Apolonio Mendoza Command-New People’s Army (AMC-NPA) ang ginawang pagpaslang ng dalawang lalaking naka-face mask, na pinaghihinalaang mga elemento ng 85th IBPA, kay Armando Buisan, dating kagawad sa Brgy. Magsaysay, General Luna bandang 6:30 ng hapon, Nobyembre 14.
Kilalang Kagawad Mando sa kanilang lugar, at kasalukuyang magsasaka at mag-uuling, siya ay namatay matapos barilin sa dibdib na tumagos hanggang likod.
Si Kagawad Mando ay isa sa mga biktima ng terorismo ng rehimeng US-Duterte sa pamamagitan ng JCP-Kapanatagan at Anti-Terror Law na ipinapatupad sa lalawigan. Matatandaan na sa bahay niya nadakip si Alexa Pacalda na isang human rights worker. Matapos ang nasabing pangyayari ay hindi na tinigilan at sapilitang pinasuko ng 85th IBPA si Kagawad Mando at nagtangka pang gamitin laban kay Pacalda at sa rebolusyonaryong kilusan.
Hindi kasalanan sa rebolusyonaryong kilusan ang pagsuko lalo na at pinilit lamang si Kagawad Mando na sumuko. Matapos niyang sumuko, walang siyang naging masamang rekord sa rebolusyunaryong kilusan at hindi siya kailanman naging instrumento ng AFP laban sa mamamayan.
Ayon sa salaysay ng pamilya, ilang beses silang binalik-balikan ng mga sundalo habang nakaburol ang kanilang padre pamilya. Ininteroga, tinakot at pinipilit ng mga sundalo na ang may kagagawan ng nasabing pamamaslang ay ang mga NPA. Pinadidiinan din ng mga sundalo na namatay si Kagawad Mando sa isang engkwentro sa Macalelon at binanggit pa na “kung tinanggap sana ni Buisan ang pera, hindi sana ito mangyayari”.
Kaugnay nito, inakusahan din si Kagawad Mando na nagbibigay pa rin ng tulong sa NPA dahil naging matigas ang ulo nito.
Mananagot ang 85th IBPA sa ginawang pagpatay kay Armando Buisan. Hindi titigil ang buong rebolusyonaryong mamamayan hangga’t hindi nakakamit ng pamilya at sambayanan ang hustisya.
Nananawagan kami sa lahat ng mamamayan sa lalawigan ng Quezon na kailangang papanagutin at pagbayarin nang malaki ang rehimeng US-Duterte sa utang nitong dugo sa sambayanang Pilipino.#
https://cpp.ph/statements/katarungan-para-kay-armando-buisan/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.