Tumanggap ng Firearms Remuneration Assistance ang apat na dating mga miyembro ng New People's Army (NPA) sa Palawan kamakailan sa pangunguna ng DILG-Palawan. Ang Firearms Remuneration Assistance ay karagdagang tulong ng pamahalaan sa ilalim ng E-CLIP para sa mga nagbalik-loob na sa gobyerno at kasamang isinuko ang kanilang mga sandata. (Larawan mula sa DILG-Palawan)
PUERTO PRINCESA, Palawan, Hul. 16 (PIA) -- Patuloy ang pagbibigay ng tulong pinansiyal ng gobyerno sa mga dating rebelde na nagbalik-loob na sa pamahalaan sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) sa ilalim ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Siyam sa mga dating rebelde o tinatawag na former rebels (FRs) ang nabigyan ng tulong pinansiyal matapos sumailalim ang mga ito sa proseso ng re-integration program. Walo sa mga ito na dating aktibong miyembro ng New People’s army (NPA) sa Palawan ang tumanggap ng tig-P65,000 kung saan ang P15,000 dito ay agarang tulong pinansiyal at ang P50,000 naman ay tulong pangkabuhayan para sa kanilang pagbabago. Samantala, isa namang dating miyembro ng Milisyang Bayan ang tumanggap ng P15,000 na tulong pinansiyal.
Ang mga nabanggit na FRs ay ang mga huling sumuko o nagbalik-loob sa pamahalaan nitong huling quarter ng 2019 sa panawagan na rin ng Palawan Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC).
Maliban sa tulong pinansiyal ay mayroon ding ibinibigay ang pamahalaan na iba pang tulong sa ilalim pa rin ng E-CLIP, ito naman ay sa pamamagitan ng Firearms Remuneration Assistance sa mga FRs na kasamang isinuko ang kanilang mga hawak na baril.
Ang Firearms Remuneration Assistance ay nakapaloob sa Reintegration Plan para sa mga FR kung saan tinutumbasan ng halaga ng pamahalaan ang mga sandatang kanilang kasamang isinuko at sa ilalim ng E-CLIP ay dinoble ang halaga nito na malaki ang maitutulong sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan sa kanilang pagbabagong-buhay.
Nitong nakalipas na linggo ay isinagawa ng DILG-Palawan ang distribusyon ng tseke sa apat na FR na may isinukong mga baril. Isinagawa ito sa Headquarters ng Philippine Marines-3rd Marine Brigade sa Bgy. Tiniguiban, Lungsod ng Puerto Princesa sa pangunguna ni DILG-Palawan Provincial Director Virgilio Tagle.
Dumalo rin sa naturang aktibidad sina Brig. Gen Nestor Herico, Commander ng PM-3rd Marine Brigade, at Lt. Col. Owen Banaag ng Palawan Provincial Police Office.
Naging saksi naman sina Provincial Social Welfare and Development Officer Abigail Ablaña, DSWD-Social Welfare and Development Team Leader Eric Aborot at Engr. Maximo Cabasal ng National Housing Authority (NHA) sa pamamagitan ng video conferencing.
Ayon kay Local Government Operations Officer Carol Nalus ng DILG-Palawan, sa kasalukuyan ay pinoproseso na ang mga dokumento para sa proyektong pabahay sa mga FR sa ilalim ng NHA. (OCJ/PIA-MIMAROPA)
https://pia.gov.ph/news/articles/1047730

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.