Sunday, December 1, 2019

NDF/Sison: Hamon sa mga artista ng bayan at manggagawang pangkultura

Jose Maria Sison propaganda statement posted to the National Democratic Front Philippines (NDFP or NDF) Website (Dec 1, 2019): Hamon sa mga artista ng bayan at manggagawang pangkultura

Mensahe sa Sining Bugkos sa Asembliya, Ni Jose Maria 



NDFP Chief Political Consultant Jose Maria Sison / Photo NDFP archive

Mahal na mga kapwa aktibista,

Malugod na nagpapaabot ako ng pagbati at pakikiisa sa pamunuan at kasapian ng Sining Bugkos sa okasyon ng inyong asembliya sa Disyembre 1, 2019 sa UP Diliman, Quezon City Kahanay ninyo ako sa diwa at kasama sa paggunita sa ika-20 taong pagkakataguyod sa Sining Bugkos, sa inyong pagbubunyi ng inyong mga sakripisyo at tagumpay at panibagong kapasyahang sumulong sa landas ng pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya.

Angkop at napapanahon ang napili ninyong pamagat ng pagtitipon “Artista ng Bayan, Paglingkuran ang Sambayanan!” Nagagalak ako na ang tema ay halaw sa mga tagubiling ipinaabot ko sa pagtatatag ng Sining Bugkos at batay na rin sa nakikita ninyong kailangan pang pagpapasigla sa gawaing kultura sa pambansa-demokratikong kilusan, gayundin sa pagsasanib nito sa pakikibaka ng masa at sa pagpaparami pa ng mga artista ng bayan at mga grupo nila.

Tumpak ang mga panawagan ninyo: Isabuhay, pagyamanin at palaganapin ang pambansa, siyentipiko, makamasang kultura! Itaguyod at mahalin ang pambansang wika at pamana sa kultura! Ipagtanggol at isulong ang pambansang soberaniya at kalayaan ng sambayanang Pilipino!

May batayan kayong lakas at mayamang karanasan para tugunan at ipatupad ang mga panawagan. Kapuri-puri na may 8 myembrong organisasyon ang kasapi ng Sining Bugkos sa buong Kamaynilaan, bagamat iba iba ang laki at sigla ng mga ito. May tiwala akong makakapagpalakas pa kayo, magpalawak ng saklaw at makapagpaatas ng antas ng gawain at pakikibaka.

Nasa ibayong pagsisikap at pakikibaka ang pagpapalakas ng kabuuan ng Sining Bugkos at mga kasaping organisasyon ninyo: ang Musicians for Peace, Ugatlahi Artists Collective, Liga ng Kabataang Propagandista, Kausap (organisasyong panteatro), Sining Laya (grupo ng mga kabaatang artista sa Quezon City), Kapisanan ng Mandudula sa Marikina, Tullahan Workers Cultural Alliance, at Sining ang Bala ng Kabataan (grupo ng mga kabataang artista sa San Juan at may chapter din sa ilang hayskul at unibersidad).



Kaharap natin ngayon ang rehimeng Duterte na sukdulan at kasuklam-suklam ang katangiang traidor, tirano, berdugo, mandarambong at manggantso. Ang mga kampanya nitong mapanupil sa mga anakpawis at panggitnang saray ng lipunan at ang pakana nitong magpataw muli ng pasistang diktadura ala Marcos sa sambayanang Pilipino ay hindi palatandaan ng lakas kundi kahinaan at mabilis na pagkabulok hindi lamang ng rehimen kundi ang buong malakolonyal at malapyudal na naghaharing sistema.

Ang mga sistematiko at garapal na paglabag sa mga pambansa at demokratikong karapatan at interes ng sambayanang Pilipino sa ngalan ng anti-komunismo ay nagpapalubha lamang sa mga pang-aapi at pagsasamantala na dulot ng tatlong salot sa bayan: ang imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo.

Hamon ito sa Sining Bugkos at sa ating lahat na ibayong lumaban at gumawa ng lahat ng paraan sa lahat ng larangan para pasidhiin ang pakikibaka at kamtin ang mas marami pang tagumpay. Ang bayang nagkakaisa at lumalaban hindi man kailan natatlo ng kaaway.

Mahalaga at mapagsiya ang inyong pakikibaka sa larangan ng sining. Gamitin ninyo ang lahat ng anyo ng sining para isalarawan ang karumal-dumal na kalagayan ng Inangbayan at ipaggumiit ang pangangailangan na lumaban ang sambayanang Pilipino para kamtin ang maningning na kinabukasan ng pambansang kalayaan, demokrasya, hustisya sosyal, lahatang panig na pag-unlad at makatarungang kapayapaan.

Nasa kaisipan at kamay ng mga artista ng bayan at mga manggagawang pangkultura ang mga ibat ibang anyo ng sining upang himukin, patibayin ang isip at paalabin ang damdamin ng sambayanang Pilipino para lumahok sa pambansa-demokratikong pakikibaka at gapiin ang mga salot at mga halimaw na sakim at malupit na nagpapatagal pa sa bulok na naghajaring sistema.

Umaasa ako na sa inyong asembliya makakapagkonsolida kayo upang ibayong magpalawak at magpalakas. Dapat maglagom ng karanasan, matuto sa mga kamalian at kahinaan, magbatay sa inyong lakas at mga tagumpay at magtakda ng mga tungkulin upang ibayong umunlad ang inyong mga gawain at magkamit pa ng mas marami pang tagumpay sa pakikibaka.

Mabuhay ang Sinong Bugkos at lahat ng kasaping organisasyon!
Mabuhay ang mga artista ng bayan at mga manggagawang pangkultura!
Mabuhay ang sambayanang Pilipino at kilusang pambansa-demokratiko!JOSE MARIA SISON

https://ndfp.org/hamon-sa-mga-artista-ng-bayan-at-manggagawang-pangkultura/son / Manunulat, Makata, Tagapangulong Emeritus, International League of Peoples Struggle

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.