Saturday, April 22, 2017

DWDD: PAGPAPALAYA SA DALAWANG SUNDALO, IKINATUWA NG 10TH INFANTRY DIVISION

From DWDD AFP Civil Relations Service Radio Website (Apr 20): PAGPAPALAYA SA DALAWANG SUNDALO, IKINATUWA NG 10TH INFANTRY DIVISION

garay

Ikinatuwa ng 10th Infantry Division matapos ang pagpapalaya ng dalawang sundalo na dinukot ng komunistang grupo noong ika-dalawa ng Pebrero.

Agad namang dinala sa Camp Panacan Station Hospital para sa physical and medical evaluation at stress debriefing matapos silang dalhin sa Matanao Municipal Hall kung saan sila’y sinalubong ni Matanao Mayor Vincent Fernandez.

Sinabi naman ni Armed Forces of the Philippines Spokesperson Brigadier General Restituto Padilla na wala naman nang rason na para hindi pakawalan ang dalawang sundalo maliban na nga lang kung may iba pang dahilan o may propaganda pa ang komunistang grupo.

Matatandaang noong dinukot si Private First Class Samuel Garay at Sgt. Solaiman Calocop ng 39th Infantry Battalion nang sila ay naka-sibilyan at hindi armado at mayroon pang umiiral na unilateral ceasefire at umuusad pa noon ang ikatlong bahagi ng usaping pangkapayapaan.

Nagpahayag din ng simpatiya ang opisyal sa trauma na sinapit hindi lamang ni Calucop at Garay kundi pati na rin ng kanilang pamilya.

Samantala, binigyan naman ng oras ang dalawang sundalo upang maka-recover mula sa physical and psychological trauma na kanilang sinapit sa tulong na rin ng muling pagkaka-balik nila sa kani-kanilang mga pamilya. – EPJA

http://dwdd.com.ph/2017/04/20/pagpapalaya-sa-dalawang-sundalo-ikinatuwa-ng-10th-infantry-division/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.