NPA propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Apr 22):
Tangkang Pagkubkob ng AFP sa Camarines Sur, Bigo (Attemptef siege by AFP in Camarines Sur failed)
Michael Robredo, Spokesperson
NPA-Camarines Sur (Norben Gruta Command)
22 April 2017
Press Release
Bigo ang tangkang pagkubkob ng 92nd Division Reconnaissance Company (DRC) sa isang yunit ng Norben Gruta Command (NGC), NPA-West Camarines Sur, noong Abril 20 sa Barangay Bagong Silang, Del Gallego, Camarines Sur.
Bandang alas syete ng umaga, Abril 20, sinalakay ng 92nd DRC ang pansamantalang baseng itinatayo ng yunit ng NGC habang naghahanda ito sa paglulunsad ng pagsasanay-militar. Dahil sa mahusay na pagdepensa, walang napatay o nasugatan sa hanay ng NPA. Sa kabilang
banda, tinatayang hindi bababa sa dalawa ang nasugatan sa hanay ng AFP. Ayon sa mga residente, dalawang beses na bumalik ang helikopter ng AFP sa lugar pagkatapos ng labanan.
Ayon sa mga kaibigan sa midya, may naunang ulat ang 9th ID, AFP na sampung elemento ng NPA ang nasugatan sa labanan; ito rin diumano ang unang ipinaabot sa Philippine National Police (PNP)-Del Gallego. Subalit binawi din agad ito at naglabas ang 9th ID ng bagong opisyal na pahayag.
Ang pangyayaring ito ay malaking sampal sa 9th ID; sa kabila ng paglulunsad ng operasyon, sila pa ang nadehado. Nananawagan ang Norben Gruta Command na patuloy na maging mapagbantay ang mamamayan sa mga pakana ng 9th ID. Dahil sa huling kabiguang ito, maaaring ang mga residente naman ang muli nitong pagbalingan, katulad sa mga naunang pekeng engkwentro kung saan mga sibilyan ang biniktima nito. Nalantad na sa masa, at maging sa midya, ang kinagawian nang pagsisinungaling ng AFP. Patuloy na suriing mabuti ang ilalabas pa nitong mga pekeng balita at mga pekeng pahayag ng paghina ng pwersa ng NPA sa rehiyong Bikol.
Sa gitna ng ginaganap na usapang pangkapayapaan, patuloy ang mga mapanlinlang na pakana ng mga militarista sa hanay ng AFP na siraan o paliitin ang katayuan ng rebolusyonaryong kilusan sa negosasyon. Sa kabilang banda, buo ang suporta ng Bagong Hukbong Bayan sa usapang pangkapayapaan. Hinihimok ng Norben Gruta Command ang mamamayan na magkaisa sa pagsuporta dito habang patuloy na isinusulong ang digmang bayan upang makamit ang tunay na kapayapaang nakabatay sa kaunlaran at katarungan.
https://www.philippinerevolution.info/statements/20170422-tangkang-pagkubkob-ng-afp-sa-camarines-sur-bigo
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.