Saturday, April 22, 2017

DWDD: Sec. Lorenzana tiniyak na magsasampa ng protesta laban sa China

From DWDD AFP Civil Relations Service Radio Website (Apr 21): Sec. Lorenzana tiniyak na magsasampa ng protesta laban sa China

del pagasa

Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na magsasampa ng protesta ang Pilipinas laban sa China.

Ito’y kung mapatunayang totoo ang balitang hinaras ng chinese coast guard ang mga mangingisda mula bataan na lumaot sa pagkakaisa bank o union reef sa West Philippine Sea.

Una nang sinabi ni Lorenzana na kailangang magprotesta ng pilipinas kapag may ganitong uri ng insidente upang ipakitang pumapalag ang bansa at mapanindigan ang ating pagmamay ari sa mga teritoryo ng bansa.

Hinikayat naman ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año ang mga mangingisdang pilipino na magsumbong agad sa mga otoridad sakaling makaranas ng ganitong klaseng panghaharass sa karagatang sakop ng pilipinas.

Sa ngayon ay ipinag utos na ni ano sa nolcom ang pagsisiyasat sa insidente.

Makabubuti aniyang makuhanan mismo ng pahayag ang mga Pilipinong mangingisda na nakaranas ng umanoy pananakot na ito upang malinawan ang buong pangyayari at maipaabot sa dfa kung kinakailangan para agad na maaksyunan.

http://dwdd.com.ph/2017/04/21/sec-lorenzana-tiniyak-na-magsasampa-ng-protesta-laban-sa-china/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.