Tinangka ng Chinese coast guard na itaboy ang dalawang aircraft ng militar na nagtungo sa Pag-sa Island ngayong araw.
Ito ang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa harap ng pagbisita nito kasama si AFP Chief of Staff Gen Eduardo Año at iba pang opisyal ng militar, gayundin ng media, sakay ng isang c 295 at c 130 plane ngayong araw sa pag asa island na sakop ng kalayaan group of island.
Gayunpaman,sinabi ni Lorenzana na normal routine o protocol na aniya ito ng china sa tuwing may namamataan silang aircraft na lumilipad sa may subi reef.
Base sa radio call ng china, sinasabi rito ang mga katagang, “you are flying over sub-air space. We are monitoring a phil aircraft. Pls go away.”
At tulad din aniya ng palagiang ginagawa ng ating mga tropa sinabi ni Lorenzana na sinasagot nila ito ng mga katagang, ” we are flying over our territory.”
Sinabi ni Lorenzana na hindi naman ito dapat ikabahala sapagkat pangkaraniwan na aniya ang ganitong eksena sa tuwing may lumalapag na eroplano sa pag asa island.
http://dwdd.com.ph/2017/04/21/tagalog-news-chinese-coast-guard-tinangkang-paalisin-ang-aircrafts-ng-afp/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.