Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Feb 21): OBR para sa kapayapaan (On Billion Rising - OBR for peace)
IPINANAWAGAN NG libu-libong kababaihang nagtipon sa Liwasang Bonifacio noong Pebrero 14 para sa taunang One Billion Rising (OBR) ang pagpapatuloy sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at GRP.
Ang OBR ay malawakang kampanya para wakasan ang sistematikong karahasan sa kababaihan at bata sa buong mundo. Taun-taon ay sabay-sabay na nagsasayaw ang milyong kababaihan sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Para sa Pilipinas, ang tema ngayong taon ay “Kababaihan tumindig para sa kabuhayan, lupa, hustisya at kapayapaan.”
Sa pangunguna ng Gabriela at Global Director ng OBR na si Monique Wilson, kinundena ng mga raliyista ang “all-out-war” ng Armed Forces of the Philippines sa kanayunan.
Ani Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela, ang mga komunidad sa kanayunan ang pangunahing biktima ng mga atake ng militar. Habang isa-isang pinapaslang at inaaresto ang mga manggagawa at lider sa komunidad, lansakan namang binubomba at sapilitang pinalilikas ang mga magsasaka sa kanilang komunidad.
Kasabay rin ng programa, sumayaw ang mga kababaihan mula sa iba’t ibang sektor sa tema ng OBR. Lumahok dito sina Maria Isabel Lopez, direktor na si Bibeth Orteza, Mae Paner at Sr. Mary John Mananzan. Nakiisa rin ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang pamantasan. Dumating din sa aktibidad ang kalihim ng Department of Social Welfare and Development na si Sec. Judy Taguiwalo at Usec. Marion Tan, undersecretary ng National Anti-Poverty Commission (NAPC).
Naglunsad din ng OBR sa Rizal Park, Davao City kung saan mahigit 1,000 ang dumalo mula sa mga institusyon at komunidad sa probinsya. Dumalo sa programa si Councilor Leah Librado-Yap.
“Sa gitna ng nakakahindik na all-out-war at matinding operasyong militar, tulad ng nagaganap sa Compostela Valley at Davao Oriental, ang kababaihan at bata ang pinakabulnerableng biktima nito,” ani Librado.
Ayon naman kay Luzviminda Ilagan, pambansang tagapangulo ng Gabriela, ang pagwawakas ng kahirapan, karahasan, lupa, seguridad sa trabaho, karapatan sa lupang ninuno, ito ang pinakamatibay na dahilan para ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan.
Nakiisa rin sa OBR ang mga mag-aaral ng St. Scholastica’s College, Polytechnic University of the Philippines, San Jose High School, Misamis Oriental Institute of Science and Technology, Holy Angel University, UP Visayas at UP Manila.
Nagkaroon din ng katulad na mga programa sa Cebu, Aklan, Capiz, Pampanga, Hongkong at Macau.
[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info. Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]
https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20170221-obr-para-sa-kaxadpaxadyaxadpaxadan/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.