Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Feb 21): AFP, nambomba sa mga komunidad (AFP bombs communities)
MALALALANG KRIMEN laban sa buu-buong mga sibilyang komunidad ang sunud-sunod na ginawa matapos ang idineklarang “todo-gera” ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa mga rebolusyonaryong pwersa.
Sa Far South Mindanao, mahigit 200 pamilyang Lumad, na karamiha’y B’laan at Kaolo, ang napalayas sa kanilang mga komunidad matapos magsagawa ng aerial bombing ang AFP sa mga sityo ng Tangis at Kindag ng Barangay Datal Anggas sa Alabel, Sarangani. Mula Pebrero 11, anim na ulit nang nambomba ang AFP. Matapos nito ay inistraping nila ang lugar. Pinigilan sila ng mga sundalo ng 73rd IB na umalis sa lugar. Nagpataw sila ng food blockade at pinigilang pumasok sa lugar ang mga relief worker kahit ng gubyerno.
Inaresto ng mga sundalo ang apat na sibilyan, tinortyur at pinilit na maggiya sa kanilang mga operasyon. Kinilala ng grupong Kahugpongan sa Lumad sa Halayong Habagatang Mindanao (Kaluhhamin) ang mga sibilyan na sina Rene Mancal, Meon Salda, Fausto Barro at Garson Barro.
Kinabukasan, nang-aresto muli ang 73rd IB ng kalalakihan at iprinisinta ng 10th ID sa publiko bilang mga “bagong rekrut” ng BHB. Ang anim na mga inaresto ay sina Simeon Salda, Jun Moda, Claude Palbe, Garzon Palbe, Rene Ompao and Sabelo Colano.
Sa Southern Mindanao, aabot sa 1,000 pamilya (mahigit 5,000 indibidwal) ang biktima ng sapilitang paglikas resulta ng pambobomba ng AFP ng 105mm Howitzer noong Pebrero 11 sa mga barangay ng Macopa, Kibagyo at Bullucan sa Laak sa Compostela Valley. Sa Davao Oriental, binomba rin ang mga barangay sa Manay noong Pebrero 1, at nambomba mula sa himpapawid ang AFP sa Lupon, Davao Oriental noong Pebrero 14.
Ang mga pambobombang ito, na walang pagtatangi sa kanilang mga target, ay nagresulta sa maraming ulat ng pagkakasugat ng mga sibilyan at pinsala sa mga kabahayan at kabuhayan ng mga komunidad ng magsasaka at Lumad. Pinalubha nito ang matagal nang pakikipagbuno ng mga komunidad sa kahirapan at sa katatapos pa lamang na mga pagbaha at malalakas na ulan.
[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info. Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]
https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20170221-afp-namxadbomxadba-sa-mga-koxadmuxadnixaddad/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.