Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Dec 22): Ipamalas ang galit ng bayan sa napapakong mga pangakong pangkapayapaan
Mariing pinupuna ng mamamayang Pilipino si Presidente Rodrigo Duterte ng GRP sa mga nakapako niyang pangakong pangkapayapaan. Binabatikos nila ang pagkabigo niyang palayain ang mga detenidong pulitikal, na dalawang ulit niyang ipinangako. Binabatikos rin nila ang pagpapakat ng mga tropang pangkombat sa mga komunidad sa kanayunan sa kabila ng ipinag-utos na magtigil-putok, na ngayo’y nagbunsod ng laganap na abusong militar laban sa masang magsasaka.
Sa nagdaang ilang buwan, ilang ulit na ipinakita ng Partido, NDFP at mga rebolusyonaryong pwersa ang tiyaga sa pakikipagnegosasyong pangkapayapaan sa rehimeng Duterte laluna sa harap ng mga pagkaantala at bigong pangako at di totoong mga pahayag, at maging sa harap ng traydor na operasyong armado at paniniktik ng mga armadong pwersa ng GRP.
Sa diwa ng pakikipagkaibigan sa rehimeng Duterte, nagpakita ng pleksibilidad ang mga rebolusyonaryong pwersa sa harap ng kabiguan ng GRP na tuparin ang nauna nang inaasahang pagpapalaya sa mahigit 430 detenidong pulitikal bago Oktubre 26 sa pamamagitan ng proklamasyong amnestiya ng presidente.
Sa hangaring panatilihin ang magkatugmang deklarasyong tigil-putukan, nagpakapleksible ang Bagong Hukbong Bayan sa pagmamaniobra upang umiwas sa harap ng traydor na mga opensiba at mapandigmang operasyon ng AFP at mga abusong militar ng mga armadong tropa ni Duterte sa saklaw ng mga sona at baseng gerilya.
Sinumpong na nagbagong-isip si Duterte at idineklarang walang bilanggong pulitikal ang palalayain hangga’t walang pinipirmahang magkatugmang kasunduan sa tigil-putukan. Muling nagpapakapleksible ang NDFP sa pag-alok na talakayin at pirmahan ang gayong magkatugmang asunduan sa tigil-putukan na magkakabisa oras na palayain ang lahat ng detenidong pulitikal.
Sa ngayo’y umabot na sa 115 araw ang tigil-putukan ng BHB. Sa kasaysayan, ito na ang pinakamatagal, patunay ng malawig na kahandaan ng mga rebolusyonaryong pwersa na suportahan ang pagbubuo ng pakikipagtulungan kay Duterte na minsang nagdeklarang siya’y Kaliwa at sosyalista.
Bukod sa pagpapalaya sa mga konsultant ng NDFP at ng napakapositibong ibinunga ng unang serye ng usapan, totoong nahikayat ang mga rebolusyonaryong pwersa ng mga proklamasyong patriyotiko, partikular, ang deklarasyon ng nagsasariling patakarang panlabas at ng pagbabantang wakasan ang presenyang militar ng US at ang magkakasanib na ehersisyong militar at ibasura ang kasunduan sa pagbabase (EDCA).
Subalit batid na batid din ng sambayanang Pilipino at kanilang mga rebolusyonaryong pwersa ang mga patakarang anti-mamamayan at di-demokratiko ni Duterte. Pinakamatingkad rito ang lumalaking bilang ng mga ekstrahudisyal na pagpaslang na inupat ni Duterte at isinagawa ng mga pwersang pulis at ng lumilitaw na lambat ng mga death squad.
Bukod sa ipinag-utos sa AFP na ipagpatuloy ang m
ga operasyong Oplan Bayanihan sa kanayunan, inutusan rin niya ang militar na bigyan ang dating diktador na si Ferdinand Marcos ng pambayaning libing sa lubos na paghamak sa mamamayang Pilipino na labis na nagdusa sa ilalim ng batas militar.
Nananatiling di nakakamit ang hangarin ng mamamayan para sa pagbabago na pinalakas ng mga pangako ni Duterte. Pinalawig din niya ang mga neoliberal na patakaran sa ekonomya (mababang sahod at pleksibleng paggawa, pagkaltas sa mga serbisyong panlipunan, pribatisasyon ng mga serbisyong pampubliko at iba pa) ng nagdaang mga rehimen na malawakang nagpahirap sa mamamayang Pilipino.
Batid rin ng mga rebolusyonaryong pwersa ang mga pag-urong ni Duterte mula Nobyembre. Pinagtibay niya ang “pakikipagkaibigan at alyansa” sa US at pumayag na maglunsad ang militar ng US ng mahigit 257 magkasanib na mga ehersisyong militar sa susunod na taon.
Malinaw na pinili ni Duterte na bawasan at iatras ang kanyang retorikong anti-US upang siguruhin ang suporta ng tali-sa-US na AFP. Sa harap ng napakong mga pangakong pangkapayapaan ni Duterte, ng pakikipagkaisa niya ngayon sa US at AFP, ng nagpapatuloy na mga operasyong militar at gerang panunupil sa kanayunan, pahirap nang pahirap ang pagpapanatili sa unilateral na deklarasyong inilabas ng PKP. Malinaw nang isinaad ng PKP na ang pagpapalawig ng tigil-putukan nito ay maisasagawa kung tutuparin ni Duterte ang pangako niyang palayain ang mga bilanggong pulitikal at ipag-uutos ang pag-aatras ng mga tropa nito sa mga sona at baseng gerilya.
Sinusuportahan din ng PKP ang pagsisikap ng NDFP Negotiating Panel na buuin ang isang magkatugmang kasunduang tigil-putukan sa GRP na may malinaw na probisyong nagtatanggol sa mga sibilyang komunidad mula sa tinaguriang mga operasyong sibil-militar at magkakabisa pagkatapos ng pagpapalaya sa lahat ng bilanggong pulitikal. Nakahanda ang mga rebolusyonaryong pwersa na dagdagan pa ang tiyaga at hintaying maisagawa ang gayong mga hakbang hanggang sa buwan ng Enero.
https://www.cpp.ph/ipa%c2%adma%c2%adlas-ang-ga%c2%adlit-ng-ba%c2%adyan-sa-na%c2%adpa%c2%adpa%c2%adkong-mga-pa%c2%adnga%c2%adkong-pang%c2%adka%c2%adpa%c2%adya%c2%adpa%c2%adan/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.