From the Philippine Information Agency (Aug 24): Tagalog News: Mga dependent ng MNLF sa N. Cotabato, nakatanggap ng tulong (Dependents of the MNLF in N. Cotabato, receive assistance)
Nakatanggap kamakailan ng tulong pang-edukasyon at pangkalusugan ang mga dependent ng mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) dito sa lalawigan.
Ang nabanggit na mga ayuda ay nagmula sa Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) program ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP).
Kabilang sa mga tulong na ipinamahagi ay ang PhilHealth cards, Member Data Records (MDR), at Notice of Scholarship Grant na mismong ipinagkaloob ng mga kinatawan ng PhilHealth at Commission on Higher Education (CHED).
Nagbigay din ng oryentasyon ang PhilHealth kaugnay ng kanilang mga serbisyo partikular ang iba’t- ibang health packages na maaaring pakinabangan ng mga benepisyaryo.
Samantala, ibinahagi naman ng CHED ang mga nakapaloob sa education study grant ng mga PAMANA- MNLF beneficiary. Kabilang na rito ang CHED priority courses, financial benefits at grounds for termination of study grant.
Sa kabilang banda, inihayag ni OPAPP Director for Mindanao Jhunnel Raneses na ang pamamahagi ng tulong ay parte ng pagpapatupad ng 1996 Peace Agreement sa pagitan ng gobyerno at ng MNLF.
http://news.pia.gov.ph/article/view/2301440380712/tagalog-news-mga-dependent-ng-mnlf-sa-n-cotabato-nakatanggap-ng-tulong
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.