Tatlong sundalo ang napatay at di bababa sa apat na sundalo ang nasugatan sa magkakahiwalay na labanan sa pagitan ng reaksyunaryong militar at Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Sorsogon, Aurora at Nueva Vizcaya nitong Oktubre at Nobyembre.
Sa Nueva Vizcaya, dalawang sundalo ang nasugatan nang mapansin at unahan ng putok ng mga Pulang mandirigma ang tropang militar na nakapwesto para mang-ambus sa Sityo Manial, Barangay Lublob, Alfonso Castañeda bandang alas-5:45 ng hapon noong Oktubre 22.
Sa Aurora, dalawang sundalo ang napatay at maraming iba pa ang nasugatan nang maglaban ang isang pangkat ng mga pwersang kaaway at mga gerilya ng BHB sa Barangay Galintuja, Maria Aurora noong Nobyembre 12. Walang tinamong pinsala ang BHB.
Samantala, sa Sorsogon, isang sundalo ng 31st IB na sakay ng traysikel ang napatay nang manlaban ito sa isang tim ng BHB na sumita sa kanya at isa pang militar para disarmahan sila sa Barangay San Antonio, Barcelona bandang alas-8 ng umaga nitong Nobyembre 16. Hindi na nakipaggitgitan ang mga operatiba ng BHB para iwasan ang posibleng maging pinsala sa mga sibilyan at hinayaan na nilang umabante ang traysikel. Nasamsam sa napatay na sundalo ang kanyang pistolang kal .45.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the
http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20141121/mga-aksyong-militar-sa-sorsogon-aurora-at-nueva-vizcaya
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.