Noong Enero, itinalaga sa tim ng Sine Proletaryo si Ka Lucas para magsagawa ng mga panayam sa mga lider at kasapi ng Partido at Bagong Hukbong Bayan sa Far South Mindanao Region para sa proyektong “Istatus: FSMR” at bahagi ng “JMS: 55/75.”
Ang “Istatus” ay serye ng maiiksing bidyo na nagtatampok ng kalagayan at pagsulong ng rebolusyonaryong kilusan sa iba’t ibang rehiyon habang ang “JMS” ay produksyon para sa ika-75 kaarawan ni Jose Maria Sison noong Pebrero. Si Ka Lucas ang nasa likod ng kamera sa halos lahat ng kuha para sa bidyong “Istatus: FSMR” na lumabas noong Pebrero 16.
Bagamat walang pormal na pagsasanay, ipinamalas ni Ka Lucas ang mataas na interes sa trabaho sa “likod ng kamera.” Madali siyang matuto at matamang nakikinig sa mga instruksyon at tagubilin. Maingat niyang inalagaan ang mga gamit ng pangkat: ang kamera, tripod at mga baterya. Kadalasang nangunguna siya sa pangkat ng SineProl sa mga itinakdang iskedyul kahit pa napakalakas ng ulan at wala nang makita dahil sa hamog. Mabilis siyang nakaangkop sa “estilong gerilya” at naging maayos ang kanyang mga kuha sa kabila ng di paborableng panahon at limitasyon sa gamit.
Nakipaghabulan siya sa mga Pulang mandirigma nang kunan ang war games. Umakyat siya sa mga punong-kahoy para makunan ng magandang anggulo ang BHB na nagmamartsa. Maagap niyang kinukunan ng bidyo ang mga Pulang mandirigma na nag-eehersisyo sa umaga. Komentaryo ng mga kasama: “Istable ang pulso ni Lucas.”
Bukod sa hawak niya ang kamera, mataman din siyang nakikinig sa panayam kay Ka Efren Aksasato, tagapagsalita ng NDFP-FSMR kaugnay sa kalagayan ng rehiyon at ng rebolusyonaryong pwersa.
Hindi alintana ni Ka Lucas kung bago man sa kanya ang gawain, sa partikular, ang gawaing bidyo ng Sine Proletaryo. Ang kanyang rebolusyonaryong sigla ay makikita sa kaseryosohang tuparin ang mga tungkuling nakaatang sa kanya at sa patuloy na pagtitipon ng kaalaman sa pamamagitan ng pagtatanong at sariling pagsisikap na matuto.
Ito ang iniwang alaala ni Ka Lucas sa mga kasama sa Sine Proletaryo.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the
http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20141121/ka-lucas-isang-pag-alaala-ng-sine-proletaryo
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.