Friday, November 21, 2014

CPP/Ang Bayan: 23 armas, nasamsam ng BHB sa Occidental Mindoro

Propaganda article from the Tagalog language edition of the CPP online publication Ang Bayan (Nov 21): 23 armas, nasamsam ng BHB sa Occidental Mindoro (23 firearms seized by the NPA in Mindoro Occidental)

Dalawampu’t tatlong armas, kabilang ang 20 malalakas na riple ang nakumpiska ng mga Pulang mandirigma ng Lucio de Guzman Command ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa matagumpay na reyd sa munisipyo ng Paluan, Occidental Mindoro noong Nobyembre 7.

Ang mga riple ay kinabibilangan ng 13 M16 at pitong M14. Nakasamsam din ang BHB ng isang shotgun, dalawang pistola, mga bala at mga gamit-militar.

Hindi bababa sa pitong elemento ng Public Safety Battalion at 408th Public Safety Maneuver Forces ng Philippine National Police at 76th IB ng Philippine Army ang napatay at apat na iba pa ang nasugatan. Ligtas na nakaatras ang mga Pulang gerilya sa 20-minutong reyd.

Ang reyd na ito ay isa sa may pinakamaraming armas na nasamsam ngayong taon. Isang platun na naman ng mga Pulang mandirigma ng BHB ang maaarmasan mula sa nakumpiskang mga sandata ng kaaway.

Sa kanilang pag-atras, dinala ng mga Pulang mandirigma ang meyor ng Paluan na si Carl Michael Pangilinan at ang kanyang municipal administrator upang balaan laban sa pang-aabuso nila sa maralitang mamamayan at sa pagkakasangkot at pagkandili ni Pangilinan sa iligal na pagtotroso, iligal na droga at iba’t iba pang sindikatong nag-oopereyt sa Paluan. Protektor ni Mayor Pangilinan ang mga pasistang tropa ng 76th IB at 408th PNP. Agad ding pinakawalan sina Pangilinan matapos ang isang oras.

Makasaysayan ang araw ng pagsalakay para sa rebolusyonaryong mamamayan ng Southern Tagalog dahil ginugunita nila noon ang buhay at pakikibaka ng magigiting na kadre ng Partido Komunista ng Pilipinas at BHB na sina Ka Armando Teng at Ka Lucio de Guzman. Kabilang sila sa mga kapita-pitagang haligi ng rebolusyonaryong kilusan na namuno sa pagpunla at pagpapayabong ng rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayan sa isla ng Mindoro.

Samantala, dahil sa malaking kahihiyan, agad na sinibak ang hepe ng pulisya ng PNP sa Paluan at ang hepe rin ng 76th IB. Sa kabila ng matagumpay na reyd, pinagpipilitan pa rin ng AFP na wala na raw mga Pulang mandirigma sa Mindoro at nagmula raw sa iba pang isla ang sumalakay na mga gerilya.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20141121/23-armas-nasamsam-ng-bhb-sa-occidental-mindoro

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.