From the Mindanao Examiner blog site (Mar 14): 1st Mechanized Brigade may bagong commander (1st Mechanized Brigade has a new commander)
Pormal ng itinalaga ng pamunuan ng militar ang bagong commander ng 1st Mechanized Brigade sa Maguindanao province na si Col. Gener Del Rosario.
Pinalitan ni Del Rosario si Col. Edgardo Gonzales na inilipat naman sa ibang pamunuan matapos na magsilbi sa naturang lalawigan. Sa ilalim ni Gonzalez ay maraming natupad na misyon ang naturang brigade bilang suporta sa Armed Forces sa central Mindanao.
Pinangunahan naman ni Brig. Gen. Mayoralgo Dela Cruz ang pormal na paglipat ng command ng nasabing brigade sa bayan ng Shariff Aguak.
Nabatid na magsisilbing deputy division commander si Gonzales sa lalawigan ng Tarlac sa Luzon.
Sinabi naman ni Del Rosario na lalo nitong pagiibayuhin ang misyon at programa ng mechanized brigade at suportado naman ito ng mga tropa.
Ang turn-over ceremony ng 1st Mechanized Brigade sa bayan ng Shariff Aguak sa Maguindanao province na kung saan ay itinalaga si Col. Gener Del Rosario bilang bagong commander. Pinalitan nito si Col. Edgardo Gonzales. (Mindanao Examiner Photo - Mark Navales)
http://mindanaoexaminer.blogspot.com/2014/03/1st-mechanized-brigade-may-bagong.html
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.