LUNGSOD NG PALAYAN -- Ipinanawagan ng National Commission on Indigenous Peoples o NCIP sa mga katutubo sa Nueva Ecija na iwasan ang panghihikayat ng New People’s Army o NPA.
Ayon kay NCIP Provincial Officer Dr. Donato Bumacas, walang maidudulot na mabuti at tiyak na gagamitin lamang ang mga katutubo sa pagdaragdag pwersa ng mga grupong nakikipaglaban sa gobyerno.
Aniya, sila ang target na maakay dahil sa kanilang pamumuhay na malayo sa kabihasnan lalo ang mga naninirahan sa kabundukan.
Naninindigan din si Bumacas na sa Nueva Ecija ay walang katutubong miyembro ng NPA bagkus ay mayroong kahirapan sa kanilang pamumuhay.
Hindi aniya militarisasyon ang nakikitang solusyon kundi ang pagpapadaloy ng mga programa at proyektong tutugon sa pag-unlad ng sektor.
Ipinaunawa din ni Bumacas sa mga dumalong pinuno ng Domaget sa lalawigan na aagapay at magtutulungan ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan upang mabigyang solusyon ang problemang kahirapan at usaping rebelyon sa bansa.
Kasama rito ang NCIP na sumusubaybay at nagbibigay proteksyon sa kapakanan ng mga katutubo.
Kaniyang payo lamang sa mga kapwa katutubo ay huwag makikinig sa iba, tanging pakinggan ang gobyernong may malasakit sa pamumuhay ng bawat katutubo. (CLJD/CCN-PIA 3)
https://pia.gov.ph/news/articles/1028833

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.