Saturday, October 23, 2021

CPP/Ang Bayan: 6 na mag­sa­sa­ka, ili­gal na ina­res­to

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 21, 2021): 6 na mag­sa­sa­ka, ili­gal na ina­res­to



Anim na mag­sa­sa­ka ang naiu­lat na ili­gal na ina­res­to ng ar­ma­dong mga ahen­te ng es­ta­do ni­tong nag­da­ang mga ling­go. Ka­sa­bay ni­to ang pang­ha­ha­li­haw ng mi­li­tar sa mga ko­mu­ni­dad ng mag­sa­sa­ka at pa­mi­mi­lit na sumurender.

Noong Oktub­re 17, di­na­kip ng mga pu­lis si Cris­ti­na Ma­gistra­do, da­ting or­ga­ni­sa­dor ng Ami­han-Caga­yan sa kan­yang ba­hay sa Bi­na­ngo­nan, Rizal ba­tay sa ga­wa-ga­wang ka­so. Di­na­la si­ya sa is­ta­syon ng pu­lis sa Tu­gue­ga­rao City at doon iki­nu­long at inin­te­ro­ga.

Sa Sor­so­gon, ina­res­to ma­ta­pos ta­ni­man ng ebi­den­syang ba­ril si Sonny G. Nace at pi­na­ra­ta­ngang ka­sa­pi ng Ba­gong Huk­bong Ba­yan (BHB). Re­si­den­te si Nace ng Ba­ra­ngay Tu­la­tu­la Sur, Ma­gal­la­nes at nag­ha­ha­nap­bu­hay bi­lang ahen­te ng small-town lot­tery (STL).

Sa Sor­so­gon pa rin, da­la­wang bu­wan nang ni­li­li­ga­lig ng 31st IB at mga pu­lis ang di ba­ba­ba sa si­yam na ba­ra­ngay sa Don­sol at pi­to sa ka­ta­bing ba­yan ng Pi­lar. Iniu­lat ng BHB-Sor­so­gon noong Oktub­re 14 na ma­hi­git 20 si­bil­yan mu­la sa lu­gar ang gi­ni­pit at pin­wer­sang su­mu­ren­der bi­lang mga myembro ng BHB.

Noong Set­yembre 27, di­na­kip ng 85th IB ang mag-a­sa­wang Leo­ni­na Ilag at Po­li Naval sa Sit­yo Ha­gak­hak, Ba­ra­ngay Ma­la­ya, Ge­ne­ral Lu­na, Quezon ma­ta­pos mag­ka­ro­on ng labanan sa pagitan ng isang yu­nit ng BHB at 85th IB ma­la­pit sa ka­ni­lang ba­hay.

Da­la­wang re­si­den­te din ng Ba­ra­ngay Ma­rai­ging, Ja­bo­nga, Agu­san del Sur ang ina­res­to ng 29th IB ma­ta­pos ang reyd ng BHB sa lu­gar noong Setyembre 28. Ki­ni­la­la ang mga bik­ti­ma na si­na Andre Pi­nao at Tu­ngan Lau­ro.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2021/10/21/6-na-magsasaka-iligal-na-inaresto/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.