Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 21, 2021): Pumatay sa lider-maralita sa Leyte, pinarusahan ng BHB
Iniulat ng Larab, rebolusyonaryong pahayagan ng Eastern Visayas (EV), noong Oktubre 2 na naparusahan na ng Bagong Hukbong Bayan-EV si Jojo “Pekulo” Lucero, kriminal na kasama sa mga pumaslang kay Carlito Badion. Pinatawan siya ng rebolusyonaryong hustisya sa Ormoc City noong Hunyo 25.
Si Lucero ay nahatulang may-sala ng hukumang bayan sa Leyte matapos mapatunayan na isa siya sa mga pumatay kay Badion, dating pangkalahatang kalihim ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap, grupo ng mga maralitang-lungsod, noong Mayo 28, 2020 sa Barangay Riverside, Ormoc City. Sa isinagawang imbestigasyon sa kaso, napatunayang nasa ilalim ng proteksyon ng pulis si Lucero. Ayon sa nakalap na impormasyon, “sumuko” siya sa lokal na yunit ng Philippine National Police (PNP) matapos paslangin si Badion. Hindi siya sinampahan ng anumang kaso. Sa halip, pinauwi siya at binigyan ng pabuya at suplay.
Maaalalang pinalalabas ng PNP na ang BHB ang nasa likod ng pagpaslang kay Badion.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2021/10/21/pumatay-sa-lider-maralita-sa-leyte-pinarusahan-ng-bhb/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.