PAMBANSANG KATIPUNAN NG MGA MAGBUBUKID-IFUGAO
December 18, 2021
Malaking pagkalugi na naman ang kinalaharap ng mga magsasaka ng highland vegetables sa Cordillera sa kasalukuyan dahil sa sobrang baba ng presyo ng gulay sa mga malalaking trading post tulad ng La Trinidad Trading Post at Nueva Vizcaya Agricultural Trading Center. Umaabot ng tatlo hanggang limang piso kada kilo ng gulay ang bili ng malalaking middleman sa mga gardinero, ngunit nananatiling mataas ang presyo ng gulay sa mga palengke, at nananatili ring mataas ang presyo ng mga agricultural input na kinakailangan sa pagtatanim ng gulay. Ang sabi ng Department Agriculture, ang mababang presyo ng mga gulay ay dahil sa pagpasok ng mga gulay mula sa ibang bansa tulad ng China, at wala raw kontrol ang gobyerno dito. Liban pa sa pagkalugi dahil sa pagmamanipula ng malalaking kartel ng gulay sa presyo ng mga produkto, kinakaharap din natin ang malakihang pagkasira ng ating mga pananim dahil sa mga magkakasunod na bagyo, at wala man lang tayong nakuhang ayuda mula sa gobyerno.
Ang ganitong lugmok na kalagayan nating mga magsasaka ay dagdag sa pahirap na nararamdaman ng taumbayan. Ngayong naka-lockdown ang maraming lugar bansa, tiyak na gutom ang kakaharapin ng mamamayan. Ang ating mga pinagpagurang pananim na gulay ay nasisira at nasasayang lang dahil wala naman tayong kakayahang ibenta ang mga ito sa sobrang mababang presyo. Isang malaking kabalintunaan na tayong mga magsasaka ang nagtatanim upang pakainin ang buong bansa, ngunit tayo ang nakakaranas ng matinding gutom at kahirapan. Lalo pang nakakagalit na bilyun-bilyong pondo mula sa kaban ng bayan ang kinukurakot ni Duterte at ng kanyang mga kroni ngayong panahon ng pandemya at matinding krisis pang-ekonomya.
Mga kababayan, huwag nating hayaang manatili ang lugmok nating kalagayan. Magkaisa tayong labanan ang lahat ng porma at pagsasamantala sa ating mga magsasaka. Suportahan at lumahok sa armadong pakikibaka na inilulunsad ng Bagong Hukbong Bayan. Wala tayong ibang paraan upang baguhin ang ating kalagayan kundi ang makibaka para sa demokrasya at kalayaan.
https://prwcinfo.wordpress.com/2021/12/18/magsasaka-gardinero-magkaisa-labanan-ang-kahirapan-kagutuman-at-kapabayaan-ng-gobyerno/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.