Saturday, December 18, 2021

CPP/NPA-Kalinga: 50IB fake news maker! Numero unong sinungaling!

Propaganda statement posted to the PRWC Newsroom (Dec 15, 2021): 50IB fake news maker! Numero unong sinungaling!



TIPON GIL-AYAB
SPOKESPERSON
NPA-KALINGA
ILOCOS-CORDILLERA REGIONAL OPERATIONAL COMMAND (CHADLI MOLINTAS COMMAND)

December 15, 2021

Mariing pinabubulaanan ng Lejo Cawilan Command – NPA Kalinga ang ipinagmamalaki ng 5th Infantry Division na labanan sa pagitan ng tropa ng 50IB at isang yunit ng NPA sa bahagi ng Brgy. Mabaca, Balbalan, Kalinga. Ayon mismo sa tagapagsalita ng 5ID, narekober sila ng dalawang (2) M16 rifle, isang (1) M653, hand grenade, tatlong (3) explosives devices sa labanang tumagal di umano ng limang minuto. Walang katotohanan ito bagkus ay panakip-butas lamang sa kapalpakan ng mga nag-ooperasyong tropa nito. Ang totoo, misenkawnter sa pagitan ng tropa ng 50IB ang nangyari kung saan nagresulta ito sa pagkamatay ng isa nilang elemento. Para pagtakpan ang pagpaslang nila sa mismo nilang katropa, patagong iniatras ang bangkay ng kaswalti. Halos parehong modus ang ginamit nila noong labanan sa Brgy. Bagtayan, Pasil kung saan dalawang sundalo ang namatay pero sa mismong opisyal na ulat ng 50IB ay idineklara nilang wala silang kaswalti. Ang masaklap pa rito ay kinokonsinte mismo ng mga opisyal ng 5ID at 50IB ang pagpapakalat ng mga kasinungalingan at maling impormasyon upang pagtakapan ang kanilang mga kapalpakan, makapagpasikat at makakuha ng promosyon at pabuya.

Malayong-malayo ang ganitong gawain sa disiplina at dangal ng mga kasamang NPA. Opensiba o depensiba man na labanan ang maisagawa, mayroon mang kahinaan ay buong-buong inaako ng mga yunit ng NPA ito at pinaghahalawan ng mga aral, nagpupuna kung kinakailangan. Buong dangal ding pinagpupugayan at pinaparangalan ang lahat ng mga nagmartir na mandirigma nitong magiting na nag-alay ng buhay para sa digmang bayan.

Pinapayuhan ang lahat na maging kritikal at mapanuri sa mga pahayag at balita na nagmumula sa numero unong fake news maker na AFP at amo nitong si Duterte.###

https://prwcinfo.wordpress.com/2021/12/15/50ib-fakew-news-maker-numero-unong-sinungaling/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.