Thursday, October 17, 2019

Tagalog News: Palawan Task Force-ELCAC hotline number, isinapubliko

From the Philippine Information Agency (Oct 17, 2019): Tagalog News: Palawan Task Force-ELCAC hotline number, isinapubliko


Isinapubliko ng Palawan Task Force-ELCAC ang Hotline Number nito upang hikayatin ang lahat ng mamamayan sa Palawan na iparating sa mga awtoridad ang mga kaniha-hinalang aktibidad ng mga communist terrorist group sa lalawigan. (Larawan mula sa PTF-ELCAC)

PUERTO PRINCESA, Palawan -- Isinapubliko ng Palawan Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) ang Hotline Number nito na 0917-680-2278.

Dahil sa ipinatutupad na Executive Order No. 70 o ‘Whole of Nation Approach’ upang wakasan ang armadong pakikibaka sa bansa ay hindi lamang obligasyon ng militar at mga awtoridad na taga-pagpatupad ng batas ang katahimikan, kaayusan at kapayapaan ng isang komunidad bagkus ito ay obligasyon ng lahat.

Kaya naman inilabas ng PTF-ELCAC ang hotline number nito upang makatulong ang mga mamamayan na magpaabot ng mga impormasyon sa mga awtoridad kaugnay sa mga aktibidad ng mga communist terrorist group (CTG) sa lalawigan.

Nauna na rito, binigyan ng PTF-ELCAC ng pabuya na nagkakahalaga ng P50,000 ang ‘informant’ na nagbigay impormasyon sa mga awtoridad na naging daan upang mahuli ang pitong pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Bgy. San Jose, lungsod ng Puerto Princesa noong Oktubre 4.

Ayon kay Western Command (WESCOM) Commander Vice Admiral Rene V. Medina, maliit lamang ang halaga ng nasabing pabuya kung ikukumpara sa magiging banta sa buhay ng isang ‘informant’ dahil hindi naman sila maaaring ipakilala sa publiko, kaya’t kailangan ding kilalanin ang kanilang kontribusyon sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng cash reward at proteksiyon mula sa mga awtoridad.

Sa pagsasapubliko ng Hotline Number 0917-680-2278 ay hinihikayat ng PTF-ELCAC ang lahat ng mamamayan sa Palawan na iparating sa nasabing numero ang ang mga impormasyon sa lokasyon at kahina-hinalang mga aktibidad ng mga ‘communist terrorist group’ sa lalawigan. Sini-siguro naman ng PTF-ELCAC na mananatiling siktreto ang mga impormasyong ipapa-abot sa kanila. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

https://pia.gov.ph/news/articles/1028791

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.