Sunday, February 12, 2017

CPP/Ang Bayan: US, tumangging alisin si Sison at ang PKP sa terror list

Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Feb 7): US, tumangging alisin si Sison at ang PKP sa terror list (US refused to remove Sison and the CPP from terror list)

Tumanggi ang US nitong Pebrero 2 na tanggalin si Prof. Jose Maria Sison at ang Partido Komunista ng Pilipinas sa listahan nito ng mga terorista. Ito ay matapos pormal na iminungkahi ng Gubyerno ng Republika sa Pilipinas (GRP) na iatras ang naturang paglilista. Ang hakbang na ito ay isa sa mga kaisahan ng NDFP at GRP sa pangatlo sa serye ng usapang pangkapayapaan sa Rome, Italy na ginanap noong Enero.

Ayon sa pinag-isang pahayag ng mga negotiating panel ng NDFP at GRP, wala nang dahilan para manatili sa listahan ng mga terorista si Sison at ang PKP dahil ang alyansa nito, ang National Democratic Front, ay kasalukuyang nakikipag-usapang pangkapayapaan sa gubyerno ng Pilipinas. Taliwas ito sa katangian ng mga terorista, ayon pa kay Silvestre Bello, pinuno ng GRP panel. Isinama si Sison at ang PKP at BHB sa listahan ng mga terorista noong 2002 sa rekomendasyon ng rehimeng Arroyo. Si Bello rin ang noo'y pinuno ng panel ng GRP.

Sa halip ng positibong tugon, sinamantala ng US ang pagkakataon para pagsabihan ang Pilipinas kaugnay sa mga "maling hakbang" nito sa South China Sea. Pinatutungkulan nito ang pagpapabaya ng rehimeng Duterte sa nababalitang paglalagak ng mga armas ng China sa mga pinag-aagawang bahura at isla.

Sa kaugnay na balita, dumating na sa Pilipinas ang ibinenta ng US na mga baril sa AFP bilang bahagi ng "gera kontra-terorismo" nito. Kabilang dito ang 400 grenade launcher, 85 na M40A5 ripleng pang-isnayp at isang RQ-11B Raven unmanned aerial vehicle system na may tatlong drone.

[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info.  Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]
https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20170207-us-tumangging-alisin-si-sison-at-ang-pkp-sa-terror-list-rn/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.