Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Feb 7): Mga hakbang pamamarusa ng BHB sa Batangas at Bukidnon (Punitive measures by the NPA in Bukidnon and Batangas)
Tatlong hakbang-pamarusa ang ipinatupad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa Batangas at Bukidnon laban sa mga mapagsamantalang kumpanya ng malalaking burgesyang kumprador.
Batangas. Apatnapu't dalawang armas, kabilang ang 14 na M-16 at 20 shotgun, libu-libong bala, magasin at kagamitang pangkomunikasyon ang nakumpiska ng BHB sa dalawang magkasunod na reyd at hakbang pamamarusa sa Selective Security Agency at 3-I Security Agency noong Enero 29, alas-6:30-7:45 ng gabi sa Barangay Papaya, bayan ng Nasugbu.
Pinangunahan ng mga Pulang mandirigma mula sa BHB- Batangas (Eduardo Dagli Command) ang pag-disarma sa mga gwardya na tumatayong armadong goons ni Henry Sy laban sa mga magsasaka sa Hacienda Looc. Samantala, tiniyak naman ng BHB na walang nasaktan sa mga gwardya at empleyado ng nasabing ahensya. Ang aksyong ito ay bahagi ng hakbang pamamarusa laban kay Henry Sy at mga gwardya nito na ginagamit sa marahas at malaganap na pangangamkam ng lupa sa Hacienda Looc.
Kabilang sa mga kaso ng mga ito ang walang pakundangang paulit-ulit na pagwasak sa mga pananim ng mga magsasaka, pagsunog sa mga kubo at ulingan, pagkumpiska sa bunga ng mga pananim at pagbabawal sa mga magsasaka na magbungkal ng lupa.
Sa Sityo Convento, Barangay Looc, Sityo Bangkal at Sityo Cueba, Barangay Bulihan, ilang ulit na nanutok ng baril ang mga gwardya sa mga magsasaka. Sangkot din ang mga ito sa panggigipit sa mga mangingisda kung saan pinagbabawalan silang pumondo at mangisda sa baybayin ng Hamilo Cove at mga sinaklaw na bahagi ng ‘development’ ni Henry Sy sa Barangay Calayo at Barangay Papaya.
Bukidnon. Iniulat ni Ka Alan Juanito, tagapagsalita ng BHB-North Central Mindanao Region, ang pagparalisa ng isang tim ng Mt. Kitanglad Subregional Command sa isang backhoe at buldoser ng Del Monte, multinasyunal na kumpanya ng prutas, noong Pebrero 1.
Kasabay nito, sinunog ng BHB-South Central Bukidnon Subregional Command ang isang dump truck na pagmamay-ari ng pamilyang Macabaya sa Libertad, Quezon.
Notoryus ang pamilyang Macabaya sa pangangamkam ng lupa at di sapat na pagpapasahod sa mga manggagawang bukid ng kanilang tubuhan. Sila rin ang responsable sa pagdemolis sa may 100 pamilya sa Brgy. Salawagan, Quezon.
[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info. Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]
https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20170207-mga-hakbang-pamamarusa-ng-bhb-sa-batangas-at-bukidnon-rn/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.