Sunday, February 12, 2017

CPP/Ang Bayan: Konsultant, iligal na inaresto

Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Feb 7): Konsultant, iligal na inaresto (Consultant illegally arrested)

Mariing kinundena ng rebolusyonaryong kilusan, mga tagapagtanggol ng karapatang-tao at tagasuporta ng usapang pangkapayapaan ang iligal na pag-aresto ng magkasanib na pwersa ng pulis at militar kay Ariel Arbitrario at isa sa kanyang istap.

Hinarang sina Arbitrario sa isang tsekpoynt sa Sirawan, Toril, Davao City bandang alas-9 ng umaga noong Pebrero 6. Pansamantala siyang pinalaya noong Agosto 18, 2016 para lumahok bilang konsultant sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP-GRP. Dumalo siya sa tatlo sa serye ng mga usapan.

Ito ang unang pang-aaresto matapos inianunsyo ni Duterte ang pag-atras ng GRP sa usapang pangkapayapaan. Kasabay ng pag-atras, inutos niya ang pagkansela sa mga pasaporte ng mga konsultant at sinabihang ibabalik sila sa kulungan dahil sila ay mga “kriminal.” Inatasan din niya ang militar na tiktikan ang mga konsultant at tiyaking alam ang kanilang kinalalagyan. Ito ay kasabay ng pagbansag sa PKP, BHB at maging sa NDFP bilang mga teroristang organisasyon.

Ayon sa pahayag ng NDFP noong Pebrero 6, lahat ng 17 konsultant nito ay nasa Pilipinas na at hindi sila nagtatago. Hindi rin sila maaaring basta-bastang arestuhin dahil protektado sila ng JASIG (Joint Agreement on Security and Immunity Guarantees). Kailangan din ng 30-araw na palugit para tuluyang magkabisa ang terminasyon ng usapan matapos maghapag ng nakasulat na pabatid ang isang panig.
[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info.  Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]
https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20170207-konsultant-iligal-na-inaresto-rn/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.