Monday, July 7, 2014

CPP/Ang Bayan: 4 sundalo, patay sa Albay

From the Tagalog edition of the CPP propaganda publication, Ang Bayan (Jul 7): 4 sundalo, patay sa Albay

Apat na elemento ng 9th Infantry Division ng Philippine Army ang napatay ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa magkahiwalay na ambus na inilunsad sa bayan ng Daraga at sa Ligao City. Nakasamsam ang BHB ng dalawang kal .45 pistola.

Dalawang sundalo ng 9th ID Recon Coy ang napatay nang tambangan ng isang tim ng BHB sa Barangay Busac, Ligao City habang patungo sa kanilang kampo sa Barangay Oma-oma sa naturang syudad noong Hunyo 28, alas-4 ng hapon. Isang kal .45 pistola ang nakumpiska ng mga Pulang mandirigma.

Bago ito, isang sarhento at isang sundalo ng 9th ID Civil Military Operation (CMO) ang napatay nang ambusin ng isang tim ng BHB sa Sityo Banasian, Barangay San Ramon, Daraga noong Hunyo 16 kung saan nasamsam ang isang kal .45 pistola.

Samantala, sa Sorsogon, nagtamo ng di bababa sa tatlong kaswalti ang 31st IB nang pasabugan sila ng CDX ng mga Pulang gerilya ng Celso Minguez Command sa Barangay Fabrica, Barcelona noong Hunyo 21.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20140707/4-sundalo-patay-sa-albay

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.