Patuloy na hinahawakan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Northeastern Mindanao Region (NEMR) ang inisyatiba sa digma sa harap ng pinaigting na opensibang militar ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa rehiyon mula Enero, kung saan nagdagdag ang AFP ng tatlong batalyon sa dating limang batalyong nakatalaga rito.
Ayon kay Ka Maria Malaya, tagapagsalita ng National Democratic Front-NEMR, 44 sa 50 labanang naganap sa rehiyon mula Enero hanggang Hunyo ay pinasimulan ng BHB at aanim lamang ang nagmula sa inisyatiba ng kaaway.
Nagtamo ng 77 kaswalti ang kaaway sa mga labanang ito (39 ang napatay at 38 ang nasugatan). Sa kabilang banda, pito ang namartir sa BHB at pito ang nasugatan.
Sa pinakahuling ulat mula sa NEMR, tatlong elemento ng 26th IB ang nasugatan sa magkahiwalay na operasyong harasment ng dalawang tim ng BHB sa magkanugnog na mga barangay ng Ararat at San Juan sa Bayugan City, Agusan del Sur noong Hunyo 16 at 17.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the
http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20140707/inisyatiba-sa-labanan-hawak-ng-bhb-sa-nemr
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.