Samuel Guerrero
Spokesperson
NPA Sorsogon Provincial Operations Command (Celso Minguez Command)

TULUY-TULOY na nagtatagumpay ang kampanya ng Bagong Hukbong Bayan para wasakin ang makinarya sa paniktik at terorismo ng AFP sa Sorsogon. Sa pinakahuling ispesyal na operasyong isinagawa ng BHB nitong Hulyo 3, napatay si Domingo Tisoy alyas Buyong, elemento ng CAFGU at asset ng 96th Military Intelligence Company.
Ang operasyon ay isinagawa sa tapat mismo ng punong himpilan ng Alpha Company ng 31st IB sa Brgy. Casay, Casiguran, Sorsogon. Nakikipag-inuman si Buyong sa ilang sundalo nang sumalakay ang mga operatibang partisano ng BHB. Nasugatan din sa nangyaring palitan ng putok ang isang Corporal Deprisa ng 31st IB.
Si Buyong ay madalas na giya sa mga operasyong militar at sangkot sa ilang kaso ng ekstrahudisyal na pagpatay sa mga pinagbibintangang kasapi o tagasuporta ng rebolusyonaryong kilusan. Kasama siya ng mga sundalong pumatay kay Joseph Benson, isang sibilyang inakusahan nilang “poste” ng BHB, sa Brgy. Escuala, Casiguran noong Mayo 9, 2014. Kabilang din siya sa death squad ng militar na pumatay kay Jose Espera, na pinagbintangan nilang lider ng BHB, sa Brgy. Bentuco, Gubat, Sorsogon noong Hunyo 15, 2008.
Ang matagumpay na ispesyal na operasyon ng BHB ay pagbibigay din ng katarungan sa mga naging biktima ni Buyong at kanyang mga kasamahan.
http://www.philippinerevolution.net/statements/20140707_isa-pang-intelligence-asset-ng-militar-patay-sa-operasyong-partisano

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.