Saturday, April 20, 2024

CPP/NPA-Masbate/Bicol ROC: Mahusay na depensa ng BHB-Masbate sa tangkang kubkob ng militar sa Masbate City

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Apr 19, 2024): Mahusay na depensa ng BHB-Masbate sa tangkang kubkob ng militar sa Masbate City (Great defense by NPA-Masbate in the attempted military siege in Masbate City)



Luz del Mar
Spokesperson
NPA-Masbate (Jose Rapsing Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army

April 19, 2024

Matagumpay na naipagtanggol ng isang yunit ng Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan Masbate ang kanilang pwersa laban sa tangkang pangungubkob ng mga teroristang tropa ng 96th Infantry Battalion-Phil. Army. Nangyari ang kontra-kubkob kahapon ng Abril 18, 5:30 ng umaga sa Barangay B. Titong, Masbate City.

Dalawa ang napatay at dalawa ang malalang nasugatan sa hanay ng militar. Ligtas namang nakamaniobra ang Pulang hukbo nang walang tinamong kaswalti sa kanilang hanay. Hindi ito maitatanggi ng 96th IBPA lalupa’t nasaksihan ng masa na dinala sa Legazpi ang kanilang sugatan at nakita ng masa ang kanilang dalawang tropa na namatay sa nasabing labanan.

Batid na walang pinipiling oras at panahon ang mga traydor at desperadong kaaway, mahusay na nakapag-alerto at nakapaghanda ang mga kasama at naipihit ang gipit na sitwasyon sa kanilang bentahe.

Nananawagan ang pamunuan ng Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan Masbate sa lahat ng mga yunit nito na panatilihin ang mataas na diwa ng alerto, kahandaan at disiplina laluna sa harap ng tiyak na desperasyon ng kaaway na wakasan ang armadong tunggalian bago matapos ang 2024.

Sa halip, dapat nilang ubos-kayang ipatupad ang atas ng Partido Komunista ng Pilipinas na maglunsad ng mga taktikal na opensiba upang bigwasan ang mga teroristang AFP-PNP-CAFGU at muling biguin ang deklarasyong todo-gera ni Marcos Jr laban sa mamamayan. Dapat pandayin ng bawat Pulang Hukbo ang opensibang diwa sa larangan ng militar, propaganda-edukasyon, gawaing masa at pagpapalawak bilang puhunan sa pagpapalakas. Magpalakas upang makalaban; lumaban para makapagpalakas.

Nakikiisa rin ang JRC-BHB Masbate sa mga yunit ng Hukbo sa iba pang mga prubinsya sa Bikol, laluna yaong mga naharap sa depensibang labanan, na magpakatatag, magtasa at humalaw ng aral sa karanasan upang ibayo pang makapagpalakas at magkamit ng nga tagumpay.

https://philippinerevolution.nu/statements/mahusay-na-depensa-ng-bhb-masbate-sa-tangkang-kubkob-ng-militar-sa-masbate-city/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.