Saturday, April 20, 2024

CPP/NPA-Mindoro: Kriminal na 203rd Brigade muling pumaslang ng sibilyan sa Bulalacao, Oriental Mindoro!

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Apr 18, 2024): Kriminal na 203rd Brigade muling pumaslang ng sibilyan sa Bulalacao, Oriental Mindoro! (Criminal 203rd Brigade murders a civilian again in Bulalacao, Oriental Mindoro!)
 


Madaay Gasic
Spokesperson
NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | New People's Army

April 18, 2024


Pinagbabaril ng mga pasistang sundalo ang sibilyan na si Jay-el Banay Maligday, isang kabataang estudyante sa Grace Mission College at residente ng Sityo Soryawon, Brgy. San Roque, Bulalacao, Oriental Mindoro. Naganap ang ekstra-hudisyal na pamamaslang noong April 7, bandang alas-singko ng umaga nang nilusob ang biktima sa kanyang pamamahay ng isang platun ng mga sundalo sa ilalim ng 4th IB. Muling pinatunayan ng insidenteng ito ang sukdulang pagiging berdugo at pasista ng mga yunit ng sundalong hawak ng 203rd Brigade, ang pinakautak ng mga mamamatay taong pumapaslang ng mga inosenteng sibilyan sa Mindoro.

Kasinungalingan ang ipinangangalandakan ng mga pasista na Pulang mandirigma ng NPA at may baril na hawak si Jay-el dahilan para barilin nila ito. Pawang panabing sa krimen ng mga berdugong sundalo ang ipinamamalita nitong armado ang biktima. Pinatutunayan ng mga residente sa lugar na sibilyan si Jay-el, hindi armado at isang mabuting mamamayan.

Ang pagpaslang kay Jay-el ay dagdag na namang kaso sa mahabang listahan ng mga sibilyang arbitaryong pinaslang ng mga berdugong AFP at PNP sa isla ng Mindoro. Maihahalintulad ang kasong ito sa pagpaslang ng 4th IB kay Salvador Dela Cruz sa So. Kawit, Brgy. Poblacion, Magsaysay, Occidental Mindoro noong 2021 matapos na kumuha ito ng kanyang payout sa 4Ps. Gayundin, ang pagpaslang kay Dante Yumanaw, purok lider ng Sityo Tiabong, Brgy. Ligaya, Sablayan, Occidental Mindoro noong July 2022 kung saan nakasalubong ito ng nag-ooperasyong mga sundalo ng 76th IB habang bitbit niya ang pinamiling bigas at iba pang pagkain para sa kanyang pamilya. Isinailalim din sa karumaldumal na interogasyon at tortyur hanggang sa mapaslang si Prentice “Tatay Prentes” Gutierrez, 78 taong-gulang, sa Sityo Cambiswer, Brgy. Poblacion, Calintaan noong 2019. Pinalabas ng berdugong militar na isang Pulang mandirigma ng NPA si Tatay Prentes. Napilitan lamang na aminin ng tagapagsalita ng 203rd Bde noon na si Bgen. Marcelino Teofilo na totoong sibilyan ang kanilang napaslang matapos ulanin ng batikos sa social media ang kanilang pahayag hinggil sa insidente. Ito rin ang sinapit ng lider ng mga tricycle driver na si Omeng Kahelo ng Sta. Cruz, Occidental Mindoro sa pangil ng mga asong 76th IB.

Malinaw na mamamatay-tao, berdugo at pasista ang 203rd Brigade at ang mga yunit sa ilalim nitong 4th IB, 76 IB, 68th IB at ang 23rd DRC na bahagi lamang ng buong institusyon ng AFP at PNP. Lantarang nilalabag ng mga ito ang batayang karapatan na inilatag ng pandaigdigang batas sa karapatang pantao ng UN at mismong saligang batas ng reaksyunaryong gubyerno. Lansakang niyuyurakan ang demokratikong karapatan ng mamamayang Pilipino ng mga kasundaluhan at pulis at saka magmamalinis o kaya ay gagawa ng mga palusot sa kanilang krimen.

Subalit hindi malilinlang ang mamamayan. Ang buong AFP-PNP ay ang pasistang haligi ng naghaharing uri at tagapagtanggol ng mapandambong na interes ng malalaking panginoong maylupa, burgesya kumprador at mga burukrata-kapitalista sa gobyerno. Ito rin ang masugid na attack dogs ng amo nitong imperyalistang US na takot sa demokratiko at makabayang paninindigan ng sambayanang Pilipino na may marubdob na hangaring maging tunay malaya at maunlad ang bansang Pilipinas.

Kinukundena ng Lucio de Guzman Command – NPA Mindoro ang kriminal na aktong ito ng mga pasistang sundalo na walang pakundangang pamamaslang sa mga sibilyan. Sa ganitong diwa, inaatasan ng LDGC – NPA Mindoro ang lahat ng mga yunit sa ilalim nito na ilunsad ang mga aksyong militar at taktikal na mga opensiba upang parusahan ang mga yunit sa ilalim ng 203rd Brigade at PNP-MIMAROPA at ang kanilang mga ahente dahil sa pagiging mga berdugo at pinakasagad-saring kalaban ng mga Mindoreño.

Nananawagan din ang LDGC-NPA-Mindoro sa mga Mindoreño na ilantad, labanan at biguin ang panlulupig na ginagawa ng 20rd Bde sa mamamayan. Pataasin ang kamulatan sa kalagayan ng ating lipunan, maging mapanuri upang hindi madala sa mga say-ops, kasinungalinan at panlilinlang ng 203rd Bde. Kumilos tayo at organisahin ang ating hanay upang mapataas ang ating kakayahan sa koordinado at kolektibong mga hakbang para sa ating pambansa at demokratikong interes. Gamitin natin ang lahat ng paraan para sa depensa ng ating hanay. Pinakamahusay kung ang mamamayan ay mag-armas at lumahok sa digmang bayan na isinusulong ng NPA. Makatarungan ang mag-armas, ang mag-rebolusyon sa gitna ng pandarahas, panlulupig at pang-aapi ng mga lokal at naghaharing uri at ng dayuhang amo nila.

Rebolusyonaryong hustisya para kay Jay-el at iba pang biktima ng EJK ng 203rd Brigade!
Lumahok sa digmang bayan!
Isulong ang armadong paglaban hanggang sa ganap na tagumpay!
Parusahan ang mga pasistang AFP-PNP!
Bigwasan ang 203rd Brigade sa Mindoro!
Mabuhay ang CPP-NPA-NDPF!
Mabuhay ang sambayanang lumalaban!

https://philippinerevolution.nu/statements/kriminal-na-203rd-brigade-muling-pumaslang-ng-sibilyan-sa-bulalacao-oriental-mindoro/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.