February 01, 2024
Inambus ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Rizal ang nag-ooperasyong tropa ng 80th IB sa Lukutang Malaki, Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal noong Enero 31, alas-5:10 ng madaling araw. Isang pasistang sundalo ang napaslang, habang dalawang iba pa ang nasugatan. Ang naturang yunit militar ay tagabantay sa mapanirang proyektong Wawa-Violago Dam sa Rizal.
Ayon sa ulat, mag-iisang taon na ang masinsin at walang-puknat na focused military operation ng 80th IB sa naturang bayan sa Rizal. Liban sa pagsisilbing bantay ng itinatayong dam, protektor din ang yunit sa interes sa Lukutang Malaki ng naghahari-hariang malalaking burgesya kumprador-panginoong may lupa na mga Araneta, Villar at Robles.
Imbwelto ang yunit sa patung-patong na mga paglabag sa karapatang-tao kabilang ang iligal na pagkulong sa mga katutubo at mga magsasaka na nagtatanggol sa kanilang karapatan sa kabuhayan. Simula kahapon, Enero 31, pinatindi at pinahigpit ng 80th IB ang pagbabantay sa paglabas-masok ng mga residente sa komunidad. Nagtayo ang mga sundalo ng mga tsekpoynt at nagbabahay-bahay para sindakin ang mga residente at ipailalim sa iligal na interogasyon.
Ayon kay Macario Liwanag (Ka Karyo), tagapagsalita ng BHB-Rizal, ang panggigipit at karahasan ng 80th IB laban sa mga sibilyan ay bahagi ng desperasyon nito na durugin ang hukbong bayan sa prubinsya. Ito umano ang tanging layunin ng 80th IB para mabigyang daan nito ang diumano’y mga proyektong pangkaunlaran ng mga naghaharing uri upang magkamal ng limpak-limpak na yaman para sa kanilang sariling interes” sa kapinsalaan ng kabuhayan ng mga katutubong Dumagat-Remontado at masang magsasaka.
Ang ambus ay pagbibigay-hustisya at pagtatanggol ng BHB-Rizal sa mamamayan ng Rizal.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/tropa-ng-80th-ib-na-protektor-ng-wawa-violago-dam-inambus-ng-bhb-rizal/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.