Sunday, January 21, 2024

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Magsasaka sa Negros Occidental, nakaligtas sa pamamaril ng 62nd IB

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis propaganda article (Jan 16, 2024): Magsasaka sa Negros Occidental, nakaligtas sa pamamaril ng 62nd IB (Farmer in Negros Occidental, survived being shot by the 62nd IB)
 




January 16, 2024

Pinagbabaril ng mga sundalo ng 62nd IB ang magsasakang si Cerilo Bagnoran Jr habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo at bumabyahe sa Crossing Cordova, Barangay Manghanoy, La Castellana, Negros Occidental. Pinara siya ng tatlong elemento ng 62nd IB Charlie Company sa Crossing Cordova bago pinaulanan ng bala.

Pauwi sana si Bagnoran sa kanyang bahay galing sa trabaho nang pagbabarilin ng mga sundalo. Siya ay trabahante sa isang tubuhan. Bagaman nakaligtas sa pamamaril, labis na takot at troma ang idinulot sa kanya at kanyang pamilya ng naturang insidente.

Bago pa ang bigong pagpatay, hinanap na si Bagnoran ng mga nagpakilalang elemento ng Philippine National Police (PNP) noong Enero 7 sa kanyang komunidad. Noong Enero 8, pinaghahahanap siya ng 24 sundalo ng 62nd IB na noo’y nag-ooperasyon sa Sityo Mandayao-4, Barangay Kamandag, La Castellana.

Samantala, hindi rin nakaligtas sa brutalidad at terorismo ng estado ang pamilyang Carreon sa Sityo Bonbon, Barangay Hinakpan, Guihulngan City. Sapilitang pinasok at niransak ng may 40 tropa ng 62nd IB ang bahay ng pamilya noong Enero 14 ng umaga. Labag sa batas na pinaghahalungkat ng mga sundalo ang kagamitan ng pamilya at hinanap si Bimbo Carreon, ang may-ari ng bahay. Nagdulot ng takot sa pamilya, laluna sa mga bata, ang atakeng militar.

Ang taktikang ito ng 62nd IB ay nakabalangkas sa kampanyang kontra-insurhensyang ipinatutupad ng rehimeng US-Marcos. Imbes na makipagsagupaan sa mga yunit ng hukbong bayan, tahasang tinatarget ng militar ang mga magsasakang sibilyan, na lubhang labag sa internasyunal na makataong batas at mga alituntunin ng digma.

Ipinahayag ng 3rd ID noong Disyembre 2023 na plano nitong “durugin” at ideklarang “insurgency-free” ang buong isla ng Negros sa unang kwarto ng 2024, dedlayn na ilang beses na nitong inusog. Kaugnay nito, nauna nang nagbabala ang Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Negros na mangangahulugan ito ng pagpapalawig ng militarisasyon sa mga komunidad sa buong isla.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/magsasaka-sa-negros-occidental-nakaligtas-sa-pamamaril-ng-62nd-ib/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.