Sunday, January 21, 2024

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Pamilya ng martir, binantaan at hinaras ng AFP

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis propaganda article (Jan 21, 2024): Pamilya ng martir, binantaan at hinaras ng AFP (Family of the martyr, threatened and harassed by the AFP)
 




January 21, 2024

Kinundena ng BHB-Sorsogon (Celso Minguez Command) ang panggigipit ng 31st IB at mga ahenteng paniktik sa pamilya ni Baltazar Hapa (Ka Patrick) noong Enero 20. Sinugod ng 10 elemento, sa pangunguna ni Jordan Enconado, ahente ng 96th MICO, ang burol ni Ka Patrick sa isang punenarya sa sentro ng Gubat, Sorsogon.

Ayon sa pamilya, nagbanta ang mga ahenteng militar na papatayin nila ang kapatid ni Baltazar na matagal nang namuhay bilang sibilyan, kung hindi daw ito susuko.

Nananawagan ang pamilyang Hapa na respetuhin sila at tigilan na ang panghaharas sa kanila. Matagal nang gawi ng AFP na sundan at gipitin ang naiwang pamilya ng mga martir ng BHB.

Si Ka Patrick ay napaslang ng mga elemento ng 31st IB nitong Enero 14, sa Barangay Togawe, Gubat, Sorsogon.

Ayon kay Ka Samuel Guerrero, tagapagsalita ng NPA Sorsogon “Ang pananakot at panghaharas sa walang kalaban-labang mga sibilyan ay isang kaduwagan at paglabag sa internasyunal na makataong batas at sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) hinggil sa wastong pagtrato sa mga sibilyan sa gitna ng umiiral na gera sibil sa bansa.”

“Ipinapakita lamang ng insidenteng ito ang kaduwagan at kawalang respeto ng mga reaksyunaryong armadong pwersa sa mga batas ng digma,” aniya.

___
(Ulat mula sa Radyo Bulusan)

https://philippinerevolution.nu/angbayan/pamilya-ng-martir-binantaan-at-hinaras-ng-afp/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.