Armando Cienfuego
Spokesperson
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army
July 28, 2023
Nangangarap nang gising ang ilehitimong rehimeng US-Marcos-Duterte na papatulan ng mga yunit ng NPA ang alok nitong amnestiya. Binanggit ito ni Ferdinand Marcos Jr. sa ikalawa niyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 24.
Walang kasapi ng NPA-ST na tatanggap sa alok na amnestiya at titigil sa pagrerebolusyon. Mahigpit ang hawak ng mga Pulang mandirigma sa disiplinang bakal ng NPA at marubdob na naniniwala sa kawastuhan ng rebolusyon. Ang mga buhay ng bawat Pulang mandirigma ay laan sa malawak na hanay ng mamamayan, hindi sa kapritso ng iilang naghaharing-uri. Handa ang mga NPA na magsakripisyo, buhay man ay ialay upang isulong ang digmang bayan hanggang tagumpay.
Sinasalaula ng rehimeng US-Marcos II ang dakilang rebolusyonaryong simulain ng NPA. Isinusulong nito ang demokratikong interes ng lahat ng uring inaapi at pinagsasamantalahan at ang pambansang kalayaan sa pamamagitan ng digmang bayan. Ang pagkamakatarungan ng digmang ito ay kinilala, hindi lang sa bansa kundi sa buong daigdig. Nakamit nito ang status of belligerency kung saan kinilala bilang kapantay na pwersang katunggali ng reaksyunaryong estado sa nagaganap na digmang sibil sa Pilipinas. Kabaligtaran nito ang di-makatarungan, para sa iilan at dayuhan na gerang kontra-mamamayan ng naghaharing estadong pinamumunuan ngayon ng papet na si Marcos Jr sa direksyon ng imperyalismong US.
Ipokrito rin ang rehimeng US-Marcos II sa pag-aalok ng amnestiya habang walang habas ang militarisasyon sa kanayunan. Walang awang tinatarget ng pinaka-brutal na tipo ng paglabag sa karapatang-tao ang mga mandirigma, laluna ang mga tukoy na kadre at yunit ng NPA at walang pakundangang idinadamay ang mga sibilyan.
Malinaw na parte lamang ang “paggawad ng amnestiya” ni Marcos Jr. ng kampanyang pagpapasuko sa rebolusyonaryong mamamayan. Katulad ng inaalok na lokalisadong peace talks, inasukalang bala ito na naglalayong wasakin ang armadong paglaban ng bayan. Isa itong anyo ng saywar para linlangin ang masa at bigyan ng dagdag hangin ang bigong kontra-rebolusyonaryong gera.
Sa kabilang banda, pinatutunayan ng pag-alok ni Marcos Jr ng amnestiya sa NPA na natatakot ito sa kapangyarihan ng rebolusyonaryong kilusan na nananatili at tumatatag sa gitna ng papalalang krisis ng malakolonyal at malapyudal na estado. Hibang na hinahangad ng reaksyunaryong estado at imperyalismo na lagutin ang rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayang Pilipino. Patuloy pang susulong at lalakas ang pambansa demokratikong rebolusyon hangga’t hindi napapawi ang imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo.###
https://philippinerevolution.nu/statements/walang-npa-sa-tk-na-tatanggap-sa-amnestiyang-alok-ni-marcos-jr/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.