Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Cagayan
NDF-Cagayan
NDF-Cagayan Valley
National Democratic Front of the Philippines
July 27, 2023
Nalunod at tinangay na ng rumaragasang tubig-baha ang pangako ng gubyerno at EDCA na “disaster relief missions at humanitarian assistance.” Apat na araw na mula nang unang tumama sa kalupaan ng Cagayan ang super bagyong Egay, nakalabas na ito ng PAR at may nagbabadya na namang sama ng panahon ngunit sa kasamaang-palad, “Walang tulong mula sa US at sa EDCA.” Ito ang pahayag ni Cagayan Governor Manuel Mamba sa panayam sa kanya ni Sheryl Cosim sa programa nito sa One PH noong Miyerkules, July 26. Bagamat bukas naman daw ang gubernador sa mga maaaring tulong ng US sa pamamagitan ng EDCA, sa kasalukuyan ay wala pa ito. Maging ang tulong mula sa national government ay usad-pagong at kulang na kulang pa rin. Wala ring marinig na piyok mula sa EDCA site sa Gamu, Isabela gayung tinamaan din ito ng mga hambalos ni Egay.
Sa pananalasa ni Egay sa malaking bahagi ng Luzon, ang prubinsya ng Cagayan na napailalim sa tropical cyclone wind signal no. 4, ang isa sa mga pinakahinagupit nito na nagdulot ng malawakang pinsala sa agrikultura at imprastraktura. Batay sa inisyal na tala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO-Cagayan) noong Hulyo 28, alas-11 ng umaga, aabot na sa ₱462 milyon ang kabuuang pinsala sa agrikultura samantalang ₱862 milyon naman sa imprastraktura.
Bagamat nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo, nananatiling lubog pa rin sa baha ang ilang bahagi ng lalawigan at umabot sa 43,000 indibidwal ang inilikas. Nagmula ang mga ito sa 291 barangay na saklaw ng 25 bayan (sa kabuuang 28 bayan sa buong prubinsya). May mga lugar pa ring walang linya ng kuryente at pahirapan ang transportasyon dahil sa mga lumubog na tulay at natumbang mga puno.
Matatandaang ibinibida ng US-Marcos Jr ang pagdadagdag ng EDCA sites “to address disaster-related event” at sabi pa ni US-Defense Secretary Lloyd Austin, “meet the needs of the Philippines in the event of a crisis like a natural disaster or a requirement to rapidly provide humanitarian assistance.” Anyare? Batay sa plano ng US, tinatayang maglalaan ito ng $70-100 milyon o halos ₱4-6 bilyon para sa implementasyon ng EDCA. Kung ilalaan ang naturang halaga para tunay na disaster response at humanitarian assistance, kaya nitong ibangon ang lahat ng mga naapektuhan sa iba’t ibang sektor hindi lamang sa prubinsya kundi maging sa ibang mga rehiyon. Sabagay, ano nga bang aasahan ng mga Pilipino sa pagbibida ng pangulong sinungaling at puro retorika?
Samantala, paglalagay ng suka at asin sa sugat ang kahalintulad ng “tulong” ng Department of Agriculture (DA) na sa halip na tulungang makabangon ang mga magsasakang pinadapa ng kalamidad, lalo silang ilinulubog sa utang. Batay sa DA, maaaring makautang ang mga magsasaka sa halagang ₱25,000 upang makapagsimulang muli. Ipokritong gubyerno! Nalugi na nga ang mga magsasaka sa inutang na puhunan sa pagtatanim, papatungan na naman ito ng utang upang tuluyan silang isadlak at ibaon. Sa kabila ng food insecurity, sadyang walang pagpapahalaga ang gubyerno ni US-Marcos Jr sa mga magsasaka ng Cagayan Valley gayung pangatlo ang rehiyon sa nag-aambag sa produksyon ng palay at mais o 13.6% ng kabuuang pambansang produksyon noong 2021.
At dahil “overprepared” diumano ang gubyerno, sabi sa SONA, sa pagharap sa natural disasters, “nag-monitor” lang si Marcos Jr habang ka-toast ng alak ang hari at punong ministro ng Malaysia. Habang ang kanyang mga “mino-monitor” ay nagmamakaawa o halos maglumuhod na nawalan o nasiraan ng tahanan, namatayan ng mga alagang hayop, nasiraan ng mga gamit pamproduksyon, natabunan ng putik ang ekta-ektaryang tumutubong mais, at nadelubyo ang kabuhayan. Dagdag na pasaning krus ito sa malalang implasyon, mababang sahod at kawalan ng trabaho sa marami, mataas na interes sa utang at parusang tikag. Halos mawalan o talagang nawalan na ng pag-asa at tiwala ang mga maralita na tutugunan ng gubyerno ang kanilang mga kagyat na pangangailangan upang makabangon.
Sa mahabang panahon, pamalagiang problema na ng mga magsasaka at mamamayan ng Cagayan Valley ang malawakang pagbaha. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring istratehikong solusyon at kahit intermedyang hakbang ang pamahalaan upang tugunan ang problemang ito. Hinding-hindi sasapat o kakasya ang ilang pirasong noodles na laging pampalubag-loob sa mga nasalanta.
Ngayong may paparating na namang sama ng panahon at inaasahan ang El Nino sa malaking bahagi ng bansa, kasaysayan na ang magpapatunay, na hindi mga mersenaryong sundalo – puti man o kayumanggi, bomba, kanyon, armas at bala ang solusyon at kailangan ng mamamayan.
https://philippinerevolution.nu/statements/walang-tulong-mula-sa-us-edca-gov-mamba/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.