Patnubay de Guia
Spokesperson
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines
July 28, 2023
Napakalupit ng Department of Justice (DOJ) sa ilalim ng kalihim nitong si Jesus Crispin Remulla sa paulit-ulit na pag-abswelto sa mga mamamatay-taong pulis ng Bloody Sunday Massacre. Kamakailan, isinapubliko ng panel of prosecutors nito ang pasyang pagbasura sa apela ng mga kaanak nina Ariel at Chai Evangelista na pinatay noong Bloody Sunday, at kung gayon, tinindigan ang hatol noong Marso na iabswelto ang 17 pulis na salarin. Inapirma at pinirmahan ang resolusyon nina Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon at Prosecutor General Benedicto Malcontento.
Naganap ang Bloody Sunday Massacre sa ilalim ng COPLAN ASVAL ng nagdaang rehimeng US-Duterte kung saan pinaslang dito ng AFP-PNP ang siyam na aktibista at dinakip ang anim na iba pa sa Cavite, Laguna, Batangas at Rizal noong Marso 7, 2021. Biktima ng madugong crackdown sina Emmanuel Asuncion ng BAYAN-Cavite; mag-asawang Evangelista ng UMALPAS KA sa Batangas; Greg Dasigao, Mark Bacasno, Abner at Edward Mendoza ng SIKKAD K3 sa Rizal; at mga Dumagat na sina Puroy at Randy dela Cruz sa Rizal. Mismong ang National Bureau of Investigation ang nagsabing may malinaw na intensyong pumatay (deliberate intent to kill) ang mga pulis kaya murder ang isinampang kaso. Subalit ipinawalang-sala ng DOJ ang mga pulis na pumatay kay Asuncion noong Enero at sa mag-asawang Evangelista nitong Marso sa kung anu-anong mga palusot dahilan upang maghain ng apela ang mga kaanak.
Ibinasura ng DOJ ang apela sa baluktot na dahilang “bigo ang mga umapela na tukuyin kung sino ang pumatay”. Pinalalabas ng ahensya na walang batayan para kasuhan pa ang mga pulis. Pinakamasaklap, ipinagtanggol pa ang operasyon dahil sa “pagsunod at pagtupad ng mga pulis sa mga proseso” bago ang paghahain ng warrant kaya “lehitimo” ang operasyon.
Malinaw na walang ibang layunin ang mga prosecutor ng DOJ kundi ang humanap ng dahilan para mapawalang-sala ang mga kriminal. Sa unang hatol ay sinabing hindi tugma ang mga bala sa katawan ng mga biktima sa baril na gamit ng mga pulis habang sa ikalawa ay idineklarang “lehitimo” ang operasyon. Kung sa una’y nais palabasin na iba ang pumatay sa mga biktima, ngayon naman ang mga kapamilya ng biktima ang nais siraan at hinahanapan ng ebidensya. Malinaw na pagbalewala ito sa salaysay ng mga kaanak at kapitbahay ng mga biktima hinggil sa krimen, kaparis nang modus nila sa pagpapawalang-sala sa mga kapural ng pagpatay kay Manny Asuncion.
Walang puso ang DOJ na binubudburan ng asin ang malalim na sugat ng mga kaanak ng mga biktima ng Bloody Sunday. Bukod sa pagkakait ng hustisya, pinaglalaruan pa ng DOJ ang mga biktima at kaanak sa matagal na paglalabas ng pasya sa apela. Kasuklam-suklam na ginawa ng prosekusyon ang resolusyon noon pang Mayo 29 subalit isinapubliko lamang nitong Hulyo 21. Sa ganitong postura ng DOJ, ipinapakita nito sa mamamayang Pilipino kung kanino ito pumapanig—sa mamamatay-taong estado. Konsistente ang DOJ na tagapagpalaganap ng impyunidad at inhustisya sa bayan gaya ng matigas nitong paghadlang sa imbestigasyon ng International Criminal Court sa mga krimen laban sa sangkatauhan ni Rodrigo Roa Duterte at Ronald dela Rosa kaugnay ng mga pamamaslang sa ilalim ng gera kontra-iligal na droga.
Malakas ang loob ng AFP-PNP na gawin ang mga atrosidad sa mamamayan dahil tiwala ito sa DOJ at sa estado na maglilinis ng kanilang mga pangalan. Ipinagpapatuloy ni Marcos Jr. ang kalakaran ng yumaong amang diktador at ng tiranong si Duterte na maghasik ng pasismo habang pinalalala ang impyunidad.
Sa harap ng karimarimarim na panahong ito, malaki ang hamon sa sambayanan na maghanap ng hustisya at labanan ang terorismo ng estado. Hindi dapat mawalan ng loob ang mga kaanak ng mga biktima ng pamamaslang ng estado. Nararapat nilang ipagpatuloy ang laban at ihatid ito sa lahat ng larangan lalo’t hindi hiwalay ang kanilang pakikibaka sa kabuuang laban ng bayan para sa hustisyang panlipunan. Kaisa nila ang NDFP-ST at lahat ng rebolusyonaryong pwersa sa kanilang pakikibaka.
Kailangang patuloy na pahigpitin ng buong bayan ang kanilang pagkakaisa para singilin at panagutin ang estado. Tinatawagan ang lahat ng mga grupong makatao, mga abogado, paralegal at iba pang manananggol ng bayan at tunay na lingkod-bayan na tulungan ang mga biktima sa pagkakamit ng hustisya.
Nararapat na isulong ng buong bayan ang pambansa-demokratikong pakikibaka upang kamtin ang tunay na kalayaan at hustisyang panlipunan. Makakaasa ang mamamayan sa rebolusyonaryong kilusan sa pagkakamit ng katarungan sa landas ng demokratikong rebolusyong bayan.###
https://philippinerevolution.nu/statements/lumalalang-impyunidad-sa-ilalim-ng-ilehitimong-rehimeng-marcos-duterte-doj-walang-balak-parusahan-ang-mga-maysala-sa-bloody-sunday-massacre/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.