Gregorio Caraig
Spokesperson
NPA-Batangas (Eduardo Dagli Command)
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army
July 18, 2023
Hustisya para kina Kylene Casao at Maximino Digno!
Hustisya para sa lahat ng biktima ng karahasan ng 59th IB PA, AFP-PNP at rehimeng US-Marcos II sa lalawigan ng Batangas!
Hustisya ang nagsusumigaw na panawagan ng mga kapamilya, kababaryo at buong mamamayan ng Batangas isang taon matapos ang walang habas na pagpaslang ng mga kasundaluhan ng 59th Infantry Battalion-Philippine Army sa 9-anyos na batang babae na si Kyllene Casao at 52-anyos na magsasakang si Maximino Digno sa magkabukod na insidente na naganap noong Hulyo ng nakaraang taon.
Hulyo 18, 2022 walang habas na pinaputukan ng mga militar ang mag-aamang Casao habang pauwi galing sa pagsusuga ng kambing sa Sitio Centro, Brgy. Guinhawa, Taysan sa kabila ng pagmamakaawang sibilyan sila at hindi kalaban. Kaagad na tinamaan sa ulo ang batang si Kyllene at namatay bago pa man makarating sa ospital. Upang pagtakpan ang kanilang krimen, ginipit, tinakot at hinostage ang buong pamilyang Casao. Sapilitang ginamit ang mag-anak para kasuhan at palabasing NPA ang nakapatay kay Kyllene sa isang gawa-gawang labanan. Ipinipilit nilang nasawi ang bata dahil sa engkwentro sa pagitan ng mga pulang mandirigma ng yunit ng Eduardo Dagli Command laban at 59th IB PA sa SItio Centro. Ang totoo, walang ikalawang labanan dahil walang pakundangang nagpaputok ang mga sundalong nakabase sa Sitio Centro matapos marinig ang putukan sa Sitio Amatong, limang (5) kilometro ang layo sa Sitio Centro. Ang totoong labanan ay naganap sa Sitio Amatong at kung gayon ang mga punglo na tumama sa batang si Kyllene ay nagmula sa mga sundalo ng 59th IB PA na naghuramentado sa Sitio Centro.
Hulyo 26, 2022 walang awa ring pinagbabaril ng mga kasundaluhan ng 59th IB PA ang magsasakang si Maximino Digno sa Brgy. Cahil, Calaca, Batangas. Tulad ng scripted nang palabas, nagpakana rin ng pekeng engkuwentro ang 59th IB PA at pinalabas na diumano ay napaslang na NPA si Digno. Subalit hindi nagtagumpay na maitago ng kasundaluhan ang katotohanan sa brutal nilang pagpaslang kay Digno sapagkat nanindigan ang pamilya at buong baryo na sibilyan at ordinaryong magsasaka lamang si Digno, may sakit sa pag-iisip at hindi kasapi ng NPA taliwas sa gustong palabasin ng mga berdugong militar. Wala ring katotohanan ang palabas na may naganap na labanan sa naturang lugar noong araw na yon.
Gamit ang korte, ang mass media at lahat ng instrumento ng panunupil ng estado, garapalang binaluktot ng 59th IB PA sa pangunguna ng mamamatay tao at sinungaling na Commanding Officer nitong si Ernesto Teneza ang sistema ng hustisya at katotohanan sa pagkamatay nina Kyllene at Maximino. Para gipitin at sapilitang ipatanggap ang kanilang kasinungalingan, inihahambalos nila ang anti-mamamayang “Anti-Terror Law” sa mga inosenteng sibilyan kung saan tatlong magsasaka at ilang mga human rights defender na nag-imbestiga mismo sa pangyayari ang siya nilang kinasuhan at inakusahang sangkot sa pagpaslang kay Kylene.
Ngunit hindi malilinlang ng 59th IB PA ang mamamayan ng Batangas. Sabi nga mismo ng isang magsasaka sa Guinhawa, ‘kaya kami masyadong ginigipit, pinilit na papirmahin at pasukuin ay dahil alam ng buong taga-Guinhawa ang tunay na nangyari, na mga sundalo talaga ang pumatay sa bata…’ Tulad ng taga-Guinhawa, aktibong nanindigan at nagsalita ang mga kababayan ni Maximino Digno sa Calaca upang isalaysay kung paanong ang isang may diperensya sa pagiisip na magsasaka ay walang kaabog-abog na pinagbabaril ng nag-ooperasyong militar ng 59th IB PA.
Nagpapatuloy ang isinasagawang militarisasyon at panghaharas ng mga kasundaluhang nasa ilalim ng 59th IB sa mga magsasaka at iba pang mamamayan ng probinsya ng Batangas. Nagpakanang muli ng pekeng labanan sa Brgy. Jaybanga, Lobo ang 59th IB PA noong Enero 16, 2023 upang bigyang katwiran ang malalaking operasyong militar na isinagawa nila sa buong kabundukan ng Lobo mula Enero hanggang kasalukuyan bilang paghahanda sa nakaamba nang pagpasok muli ng MRL-Egerton gold mining project sa ilalim ngayon ng kumpanyang Bluebird Ventures Incorporated. Tulak ng malaking pagkamal ng salaping pakinabang, noong Setyembre 2022, muling inaprubahan ng rehimeng US-Marcos II ang dalawang taong ekstensyon o pagtutuloy ng eksplorasyon ng mapangwasak na dayuhang pagmimina sa bayan ng Lobo.
Tatamaan ng proyektong ito ang libu-libong ektaryang sakahan, panirahan at baybaying dagat mula sa mga barangay ng Biga, Balibago, Malabrigo, Soloc, Jaybanga, Apar, Nagtoctoc, Nagtaluntong at Sawang. Maging ang batayang pangangailangan ng mga taga-Lobo ay apektado dahil sa pinsalang maaaring idulot ng proyektong mina sa karagatan, sakahan at mga ilog na pinagmumulan ng suplay na tubig ng buong bayan ng Lobo. Direkta nitong wawasakin ang kabuhayan ng mga taga Lobo sa pamamagitan ng sapilitang pang-aagaw at pagpapalayas sa mga lupang sakahan, habang ang buong mamamayan ng Batangas ay maa-apektuhan dahil sa pagkasira ng kalikasan. Wawasakin din nito ang tinatawag Lobo white gold industry na pinagmumulan ng ipinagmamalaki ng Lobo na pinakamagandang klase ng asin.
Hindi lamang probinsya ng Batangas ang maaapektuhan ng mapaminsalang pagmimina. Pinakamalala dito, maapektuhan nito ang Verde Island Passage na tinaguriang lokasyon ng “the center of the center of the world biodiversity”. Kagaya ng naganap na sakuna sa probinsya ng Marinduque sa pagkasira ng mines tilling ng kumpanyang Marcopper, nasira at nawasak nito ang kanilang karagatan na ilang dekada nang nakaka-apekto sa kabuhayan at kalikasan ng kanilang lugar.
Sa basbas ng rehimeng US-Marcos II at administrasyong Mandanas, ipinagmamalaki ng Bluebird Ventures Inc. na diumano ay wala nang makakahadlang pa sa pagsasakatuparan ng kanilang mapangwasak na proyekto. Magkasapakat din sila katuwang ang mga malalaking negosyanteng lokal at dayuhan ng iba pang mga proyektong makakasira sa ating kalikasan.
Bukod sa nakaambang pagmimina sa bayan ng Lobo, nakaamba ring mawasak ng tuluyan ang kabundukan ng Banoy sa syudad ng Batangas oras na maisakatuparan naman ang planong humigit kumulang 300-ektaryang Batangas Forest City. Nananatili rin ang nakaambang gold mining project sa kabundukan ng Banoy na dati ring sinaklaw ng eksplorasyon ng mga dayuhang kumpanyang MRL, Egerton Gold at Bluebird.
Proyektong eko-turismo naman ng mga malalaking debeloper tulad ng Aboitiz at LANDCO ni Manny V. Pangilinan ang namamayagpag ngayon sa kabundukan at baybaying dagat ng San Juan na nakaambang magpalayas muli sa libu-libong magsasaka at mangingisda sa naturang bayan. Sa mga bayan ng Taysan at Rosario, nakaamba pa ang mas malawakang kumbersyon o pagpapalit-gamit sa mga lupang agrikultural para bigyang daan ang mga negosyo at agro-bisnes ng mga dayuhang negosyante at malalaking burgesya kumprador tulad ng San Miguel Corporation ng tambalang Danding Cojuangco-Ramon Ang.
Sa Kanlurang Batangas, patuloy pa rin ang pagnanais na maipatupad ang Taal Developement Project na magpapalayas sa ilang libong mamamayan sa paligid ng Taal Lake. Inihudyat naman sa biglaang pagsasara ng Central Azucarera de Don Pedro, Inc. (CADPI) sa Nasugbu ang todo-largang kumbersyon ng mga natitira pang lupang agrikultural tungong eko-turismo at industriyal na gamit upang bigyang puwang ang malalaking negosyo ng mga naghaharing burgesya kumprador tulad ng pamilya Sy, Lucio Tan, Daniel Consunji, Gokongwei, Roxas, Enrile, Ayala, Ramon Ang, Legarda at ilan pa. Higit na mas mababa na kaysa 30,000 ektarya ang buong lupang tubuhan sa lalawigan mula sa dating ikatlo ang Batangas sa pinakamalaking prodyuser ng tubo sa buong bansa. Matinding naapektuhan ng ganitong mga pakana ng sabwatang estado at naghaharing uri ang hindi bababa sa 12,000 magsasaka at manggagawang bukid sa tubuhan sa buong Batangas.
Habang naghihirap at nangangamba para sa kanilang kabuhayan, karapatan at kinabukasan ang mamamayan, tuloy-tuloy namang inilalako nina Mandanas at ng rehimeng US-Marcos ang Batangas sa mga dayuhang kapitalista at ibinubuyangyang ang likas-yaman nito para sa ibayong imperyalistang pandarambong sa pagde-deklara sa lalawigan bilang ‘next global economic hub.’ Kaakibat nito ang tuloy-tuloy ding pagtatayo ng mga negosyo at pabrika ng mga dayuhang kumpanya sa kahabaan ng Batangas Bay na sumasaklaw sa ilang barangay sa syudad ng Batangas at mga bayan ng Bauan, San Pascual at Mabini. Bilyon-bilyong tubo ang mahuhuthot ng mga negosyateng ito sa kanilang mapanira sa kalikasang mga proyekto.
Sa dami, lawak at laki ng pakinabang sa mga kalupaan at likas yaman na pinag-iinteresan ng mga negosyanteng dayuhan at lokal at naghaharing uri sa ating lalawigan kung kaya’t ganoon na lamang ang paghahangad ng rehimeng US-Marcos II sa pamamagitan ng AFP, gamit ang sunud-sunurang berdugong 59th IB PA na tuluyang madurog ang rebolusyonaryong paglaban ng mamamayan na pinangungunahan ng CPP-NPA-NDF sa lalawigan.
Mula Enero hanggang Hulyo, halos dire-diretso ang mga operasyong militar na inilulunsad ng 59th IB PA sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan. Sa bawat bugso ng operasyon, samu’t saring mga paglabag sa karapatang pantao ang inihahasik ng 59th IB PA at mga kasanib puwersa nila na CAFGU at PNP-PSMC sa Batangas. Tuloy-tuloy ang pagbabanta at panggigipit sa buhay ng mga karaniwang magsasaka, pagbabanta hanggang aktwal na gawa-gawang pagkakaso sa mga sibilyan at mga lider masa gamit ang anti-mamamayang Anti-Terror Law, walang habas na paghalughog at pagransak sa mga bahayan, pagnanakaw ng mga gamit at pagpatay sa mga alagang hayop ng masa, paglapastangan sa karapatan ng kababaihan at bata, pagsira sa mga pananim at kabuhayan at marami pang iba.
Hindi lamang sa kanayunan nagaganap ang militarisayon, maging sa kalunsuran kung saan may isyu ng pakikibaka sa karapatan sa paninirahan at kabuhayan ang mga maralita. Nagkakaroon din ng malawakang harasment at panunupil ang 59th IB PA. Sapilitang kinukumbinsi ng mga kasundaluhan ang mga apektado ng demolisyon na mag self-demolish na lang at sapilitang tanggapin ang isang pabahay na walang kaseguraduhan. Ngunit sa kalaunan ay pwede na uli silang palayasin sa pansamantalang pabahay na ibinigay.
Kaya naman, sa sama-sama nating paggunita sa isang taon ng pagkapaslang sa ating mga kababayan na sina Kyllene Casao at Maximino Digno, nananawagan ang Eduardo Dagli Command – NPA Batangas sa buong mamamayan na Batangas na huwag magpagapi sa takot at teror na inihahasik ng berdugong 59th IB PA, manindigan para sa katotohanan at karapatan at ipagtanggol ang ating lupa, panirahan at kabuhayan sa gitna ng naglalakihang mapaminsalang proyekto ng naghaharing uri sa ating lalawigan.
Patuloy nilang gagamitin ang AFP at ang mamamatay taong 59th IB PA upang pigilan ang ating makatarungang paglaban at paninindigan para sa ating karapatan. Kung basta lamang tayong mananahimik, patuloy na maghahasik ng ligalig at kaperwisyuhan ang mga nagooperasyong kasundaluhan sa ating mga baryo. Walang ibang dapat gawin ngayon ang mamamayan ng Batangas kundi manindigan, magkaisa at kumilos upang igiit at kamtin ang hustisya, at ipagtanggol ang ating mga karapatan.
Habang sa isang banda, makakaasa ang rebolusyonaryong mamamayan ng Batangas na patuloy na magpupunyagi ang NPA sa lalawigan upang ipagtanggol ang mamamayan sa gitna ng mga banta ng pagyurak sa ating karapatan at igawad ang rebolusyonaryong hustisya laban sa pasistang estado at naghaharing uri, berdugong militar at mga ahente nito upang makamit ng mga biktima ang pinakaaasam na katarungan.
Sa gitna ng nagpapatuloy at maiigting na focus military operation (FMO) at at ng mapanlinlang na Retooled Community Support Program (RCSP) na inihahalihaw ng mga berdugong tropa ng AFP-PNP sa Batangas, patuloy na nakakapagpalakas at nakakapagpalawak ang NPA at ang Partido Komunista ng Pilipinas, higit na nagsisikhay sa gitna ng buhay at kamatayang pakikibaka. Malaking kahibangan ang ilusyon ng rehimeng US-Marcos, ng AFP at ng mga naghaharing uri sa lalawigan na nagtatagumpay silang madurog ang rebolusyonaryong kilusan sa lalawigan.
Patuloy na inaani ng NPA saan man ito makarating ang walang maliw na pagmamahal at pagtataguyod ng masang anakpawis at ang buong-buong pagtitiwala at pagtangkilik ng masa sa pambansa demokratikong adhikain ng rebolusyon. Kahit sa gitna ng matitinding lukob ng operasyong militar, buong kadakilaang itinataguyod ng masa ang NPA dahil sa kawastuhan ng isinusulong nitong digma at pakikibaka. Malaon nang nakaugat ang rebolusyonaryong kilusan sa lalawigan na dinilig at pinayabong ng mga tagumpay ng mga pakikibaka at rebolusyong agraryo na hanggang sa kasalukuyan ay tinatamasa at pinakikinabangan ng libu-libong mamamayan sa Batangas.
Isinusuka, isinasakdal at kinamumuhian ng masang Batangenyo ang mga krimen ng pasistang 59th IB PA, AFP at PNP, habang ang NPA at ang rebolusyonaryong mamamayan ng Batangas ay patuloy na minamahal at itinataguyod ng masang pinaglilingkuran, magkasama hanggang sa pagkamit ng ganap na katarungan at kapayapaan, hanggang sa tagumpay!
Nananawagan din tayo sa lahat ng mamamayang biktima ng panunupil at karahasan ng 59th IB PA, PNP at mga paramilitar ng AFP na magpakanlong kayo at sumapi sa Bagong Hukbong Bayan upang sabay-sabay nating kamtin ang hustisya sa pamamagitan ng masigasig at tuloy-tuloy na pagsusulong makatarungang digma. Agaran lamang na ipaalam sa mga lokal na Sangay ng Partido sa inyong mga lugar upang maiproseso ang inyong pagpasok sa mga yunit ng NPA sa ilalim ng Eduardo Dagli Command – NPA.###
https://philippinerevolution.nu/statements/itakwil-at-palayasin-ang-berdugong-59th-ib-sa-batangas/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.