Wednesday, July 19, 2023

CPP/NDF-Rizal: Landslide sa Antipolo, babala sa papalalang epekto ng mapanirang mga proyekto

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Jul 18, 2023): Landslide sa Antipolo, babala sa papalalang epekto ng mapanirang mga proyekto (Landslide in Antipolo, warning of the worsening effects of destructive projects)
 


Arman Guerrero
Spokesperson
NDF-Rizal
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines

July 18, 2023

Ang naganap na landslide kahapon, Hunyo 17, sa Barangay Sta Cruz, Antipolo City ay patunay ng lumalalang krisis sa klima bunsod ng mapangwasak na aktibidad ng mga korporasyon ng mga monopolyo kapitalistang dayuhan, malalaking burgesya-kumprador at uring panginoong maylupa.

Patanaw ang insidente sa maaaring kahinatnan ng mga barangay sa pagtatayo ng Wawa-Violago Dam.

Kinitil ng landslide ang buhay ng isang babaeng residente nang mabagsakan ng bato ang kanyang bahay, habang nasa 20 pamilya ang apektado ng insidente. Tiyak na mas malulubhang pinsala pa ang sasapitin hindi lang ng Barangay Sta Cruz at Antipolo, kundi ng iba’t ibang bayan sa Rizal sa oras na maitayo ang Wawa-Violago Dam. Mas malalaking baha ang nakaamba sa panahon ng tuloy-tuloy na bagyo.

Nakikiramay ang NDF-Rizal sa pamilya ng nasawi at mga naapektuhan ng landslide. Samantala, dapat na magsilbing babala ang naganap na landslide sa pagpapahintulot ng proyektong Wawa-Violago Dam. Dapat lalong palakasin ang tinig ng mamamayan laban sa naturang proyekto.

Nananawagan ang NDF-Rizal sa mga upisyal ng gubyernong tapat na naghahangad ng interes ng mamamayan na suportahan ang laban sa Wawa-Violago Dam. Nananawagan din kami sa mga progresibong grupo, mga tagapagtanggol ng kalikasan, at mga taong simbahan na aktibong lumahok sa pagtutol sa anti-mamamayang proyekto. Sa sama-samang paglaban, maipagtatanggol at mapangangalagaan ang buhay at kalikasan.

https://philippinerevolution.nu/statements/landslide-sa-antipolo-babala-sa-papalalang-epekto-ng-mapanirang-mga-proyekto/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.